Umaapaw na kabutihan ng mga Filipino, inspirasyon ng taga-Cotabato sa pagbangon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Babangon ang mga taga-Cotabato sa kabila ng pinsala ng lindol.

Ito ang inihayag ni Father Hipolito Paracha, vicar general ng Diocese ng Kidapawan sa kabila ng malawak na pinsalang iniwan ng sunod-sunod na lindol lalu na sa Makilala, Kidapawan at Tulunan.

“While the magnitude of the damage brought about by the earthquake is very heartbreaking, but the intensity of the kindness and charity of the people is very heartwarming and inspiring,” ayon kay Fr. Paracha.

Ayon kay Fr. Paracha, bagama’t halos lahat ay nasira ng mga pagyanig ay higit din ang pasasalamat ng mga taga-North Cotabato sa malakasakit ng sambayanang Filipino lalu na sa oras ng pangangailangan.

“Yes kaya ang sabi ko nga lumalabas ang pusong Pinoy natin matatag tayo. We can rise up from these bad events,” dagdag pa ng pari.

Tiniyak naman ng pari na halos lahat ay naabutan na ng tulong subalit higit pa rin ang pangangailangan ng mga biktima dahil hindi pa tiyak kung hanggang kailan sila mananatili sa mga evacuation centers.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pamamahagi ng diocese ng mga kinakailangan ng mga biktima sa tulong na rin ng 70 mga youth volunteers habang patuloy din ang pagdating ng tulong mula sa simbahan, pamahalaan at iba’t ibang institusyon.

Nauna nang tumugon at nagpadala ng 1-milyong pisong cash ang Caritas Manila at Quiapo Church sa Diocese of Kidapawan para sa mga nasalanta ng lindol.

Read: 1M piso, ipinadalang tulong ng Caritas Manila at Quiapo church sa Mindanao quake victims

Bukod sa mga gusali at tahanan, limang simbahan din na nasasakop ng Kidapawan diocese ang nasira ng magkakasunod na malalakas na lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,638 total reads

 118,638 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,168 total reads

 256,168 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,944 total reads

 371,944 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,645 total reads

 487,645 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top