Spirit of volunteerism ng mga biktima ng lindol, hinahangaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total views

Hinikayat ni Father Maximo Lapaz, Jr. Parish Priest ng Sto. Niño Parish ng Makilala, North Cotabato ang kapwa niya naapektuhan ng lindol na magtulungan.

Aminado ang pari na dumaraan sila ngayon sa isang mahirap na pag-subok at tanging ang isa’t-isa ang kanilang masasandalan.

“Lagi kong sinasabi sa kanila na lahat tayo apektado dito, lahat tayo biktima kaya sabi ko magtulungan tayo.”pahayag ni Father Lapaz sa Radyo Veritas.

Pinuri naman ng pari ang mga naglilingkod sa kanilang parokya na sa kabila ng personal na paghihirap na nararanasan ay nagagawa pa ring tumulong sa kanilang kapwa na biktima ng lindol.

Hinahangaan ng Pari ang spirit of volunteerism partikular na sa mga miyembro ng Basic Ecclesial Community, at ang Parish Pastoral Council ng kanilang parokya.

“Organisado yung parokya kasi meron kaming B.E.C., P.P.C. meron kaming mga leaders, kaya in terms of system, kahit na merong trahedya, kahit na mga biktima yung mga leaders natin, yung mga nasa parokya, nakahanda sila, kapag ipatawag mo may sense of volunteerism, handa sila.” Dagdag pa ni Father Lapaz.

Ayon kay Father Lapaz, sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakababalik ang maraming mamamayan sa kanilang tahanan.

Tumutuloy naman ang pari sa isang maliit na kuwarto sa tabi ng kanilang lumang kumbento na napinsala din ng lindol.

Patuloy naman ang kanilang pagdaraos ng mga banal na misa sa isang covered court, subalit kapansin-pansin ang mababang bilang ng mga dumadalo sa misa dahil pa rin sa takot sa mga aftershock.

Ang bayan ng Makilala sa North Cotabato ang pinaka matinding naapektuhan ng magkakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng pamahalaan umaabot sa 20,704 pamilya, na katumbas ng 103,520 indibidwal na nagmula sa 38 barangays sa Makilala ang bilang ng mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 207,000 total views

 207,000 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 237,223 total views

 237,223 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 263,868 total views

 263,868 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 358,841 total views

 358,841 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 366,417 total views

 366,417 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,649 total views

 346,649 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top