Marcos, hindi bayani-DSWD head

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 331 total views

Hindi itinuturing na bayani ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang inihayag ng kalihim kasunod ng paglilibing sa dating Pangulo at diktador na si Marcos sa libingan ng mga bayani kaninang tanghali.

Ayon sa kalihim, mayroon siyang personal na dahilan kung bakit kailan man ay hindi nito matatanggap na naihimlay sa libingan ng mga bayani ang dating pangulo.

Dagdag pa nito may mga kaibigan siyang nakaranas ng torture sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

“Marami akong kaibigan, kakilala, mga nanay at tatay nila na namatay, pinatay sa panahon ng diktadura, yun ang aking kontexto. Kaya nung May 31 na i-appoint ako ni President Duterte bilang Secretary, sinabi ko personally hindi talaga, and I think the president knows that where I stand personally, yun ang tindig ko hindi ko sya tinuturing na bayani.” Pahayag ni Secretary Taguiwalo.

Alas dose ng tanghali ng Nobyembre 18, 2016, naihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Isinagawa ang pribado, payak at lihim na seremonya bilang tugon sa kahilingan ng pamilyang Marcos.

Gayunman, marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang hinanakit at galit dahil sa pagkakalibing ng diktador kasama ang 49, 000 mga sundalo at war veterans sa Libingan ng mga Bayani.

Una ng inihayag ni dating CBCP president Lingayen-Dagupan archbishop Oscar Cruz na ang isang yumao ay dapat inililibing ang katawang lupa para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 60,515 total views

 60,515 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 60,515 total views

 60,515 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 60,515 total views

 60,515 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 58,666 total views

 58,666 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 53,551 total views

 53,551 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,634 total views

 284,634 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top