156 total views
Umaasa ang mga opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP na hindi aabot sa 60-araw ang martial law sa buong Mindanao.
Ayon kay Fr. Amado Picardal, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities, bagama’t nangangamba sa sitwasyon ng Marawi City ay hindi naman akma na saklawin ng deklarasyon ang buong rehiyon.
Iginiit ng pari na maliit na lungsod ang Marawi at kakaunti lamang ang bilang ng Maute group na agad na makokontrol ng mga militar.
Ang Marawi City ay may tinatayang 200 libong populasyon, habang nasa 100-naman ang bilang ng Maute group na hostage sa kasalukuyan si Father Chito Suganob at iba pang manggagawa ng Prelatura.
Nanawagan naman si Rev. Fr. Ariel Destora, Social Action Director ng Diocese of Marbel sa mga mamamayan na makipag-ugnayan sa mga otoridad at maging mapagmatiyag kasabay ng pagpapatupad ng Martial Law sa rehiyon.
“At ngayon po na idineklara ang Martial Law sa buong Mindanao, ang lahat po sana ay patuloy sa pagdasal, to remain calm and be vigilant ang to cooperate with the authorities.” Mensahe ni Fr. Destora sa Radyo Veritas.
Ganito rin ang mensahe ni Rev. Fr.Franklyn Costan, Social Action Director ng Prealtura ng Isabela de Basilan.
Ayon kay Father Costan, kailangan maging mapagmatiyag ang publiko upang hindi maabuso ang pagpapatupad ng Martial Law sa rehiyon.
“As Martial Law is declared in Mindanao, we have to abide to restore the law and order in the land but we have to be very vigilant to avoid abuses. To the People of Marawi both Muslims and Christians the Prelature of Basilan is one with you in prayers.” Pahayag ni Fr. Costan.
Samantala aminado naman si Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Director ng Diocese of Tagum na mahigpit ngayon ang ipinatutupad na seguridad partikular na sa Davao City kaya’t umiiwas muna ang mga residente sa paglabas ng kanilang mga bahay.
Kaugnay nito, kinondena ng Kalikasan People’s Network for the Environment ang pagdedeklara ng Pangulong Duterte ng Martial Law sa buong rehiyon ng Mindanao sa gitna ng kaguluhan sa Marawi City dahil sa mga terorista.
Naniniwala KPNE na magagawa ng Armed Forces of the Philippines na mapayapa ang lahat nang hindi sumasailalim sa Martial Law.
Iginiit ng grupo na ang solusyon ng Pangulo na all-out-military ay magpapalala lamang sa kalupitang nararanasan ng mga sibilyan sa halip na matiyak ang kanilang kaligtasan.
“The ‘crisis’ situation in Marawi should not be a reason for declaring martial law in Mindanao. Martial law imposition means the suspension of people’s basic rights and heightening the military combat operations across Mindanao. This will lead to more violations of human rights and militarization of communities particularly Muslim areas,”pahayag ng KPNE.