Masakit na katotohanan ang pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,700 total views

Nabahala si Tagbilaran, Bohol Bishop Alberto Uy hinggil sa lumalalang pag-init ng panahong nararanasan sa buong bansa.

Ayon kay Bishop Uy, ang tumataas na temperatura ng kapaligiran ay sanhi ng climate change dahil sa patuloy na pang-aabuso at pananamantala ng tao sa kalikasan.

Sinabi ng obispo na ang mga sakuna at kalamidad na nararanasan ng mga tao ay nagmimistulang ganti ng kalikasan.

Aniya, ang mga pagbabagong ito sa kapaligiran ang katotohanang dapat tanggapin at higit na maunawaan ng mga tao.

God always forgives, men sometimes forgive, but creation never forgives. If you destroy creation, creation will destroy you. Ito ang katotohanan, ayaw natin mapagsabihan kasi masakit ang katotohanan,” pahayag ni Bishop Uy.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang 44-degrees Celsius heat index sa Catarman, Northern Samar.

Panawagan naman ni Bishop Uy sa lahat na higit pang isabuhay at ipalaganap sa kapwa ang pagiging responsableng katiwala ng sangnilikha upang makatuwang sa pagtugon sa lumalalang pag-init ng kapaligiran.

Paalala din ng obispo na ingatan ang kalusugan laban sa mga karamdamang maaaring makuha mula sa labis na init ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 103,835 total views

 103,835 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 147,443 total views

 147,443 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 229,369 total views

 229,369 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 237,851 total views

 237,851 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top