Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,415 total views

Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan.

Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas.

Ayon sa MGFI, ang Masungi Georeserve ay inisyatibo upang mapangalagaan at mailigtas ang mga likas na yaman laban sa mga mapaminsalang pag-unlad.

“The Masungi Georeserve is a non-profit conservation initiative run by the MGFI which is a non-stock, non-profit Foundation duly registered at the Securities and Exchange Commission (SEC). Masungi is therefore not a resort, which is built for the primary purpose of entertainment and profit,” ayon sa pahayag ng MGFI.

Iginiit ng institusyon na mahigpit silang sumusunod sa anumang mahahalaga at kinakailangang permit mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang pagtalima sa mga batas ng bansa, gayundin ay walang anumang obligasyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Taliwas din sa pahayag ng DENR, inihayag ng MGFI na ang ginawang trails o daanan sa loob ng Masungi ay may Certificate of Non-Coverage (CNC) na katumbas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa mga proyekto na walang gaanong malaking epekto sa kapaligiran ayon sa itinakda ng Philippines Environment Impact System.

“Masungi is also known for implementing some of the strictest and most sustainable visitor protocols and carrying capacities in the country,” ayon sa institusyon.

Naglabas ng pahayag ang DENR kasunod ng panawagan ni Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pangangalaga sa Masungi Geopark Project.

Una nang inanunsyo ng DENR ang planong pagbawi sa 2017 Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pamumuno ng yumao at dating Environment Secretary Gina Lopez na nagbunsod upang masimulan at maisakatuparan ang Masungi Geopark Project.

Binatikos naman ito ng MGFI at iba pang grupo kabilang na ang Caritas Philippines dahil ang hakbang ng kagawaran ay marahil upang higit na bigyang-daan ang operasyon ng large-scale mining, land grabbers, quarrying at pool resorts sa loob ng protected area.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 196,789 total views

 196,789 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 218,899 total views

 218,899 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 290,053 total views

 290,053 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 278,257 total views

 278,257 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top