Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Matatag na pananampalataya, mabisang panlaban sa depresyon

SHARE THE TRUTH

 314 total views

Palalimin pa ang pananampalataya sa gitna ng umiiral na krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ni Fr. Rene Richard Bernardo, health priest minister ng Diyosesis ng Kalookan para sa lahat ng mga mananampalatayang nakakaranas ng depresyon ngayong pandemya.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Bernardo, hinihikayat nito ang bawat isa na patatagin at paigtingin pa ang pananampalataya upang maiwasan ang stress na isa sa mga pangunahing dahilan ng depresyon ng isang tao na lubha namang nakakaapekto sa immune system.

“Kaya nga I encourage people na laliman ang pananampalataya kasi ‘yung stress, isa yan sa malakas makapagpababa ng immune system. So kapag ‘yang stress natin, if we fail to handle our stress and manage incorrectly, talagang it weakens our immune system,” bahagi ng pahayag ni Fr. Bernardo sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc na sa panahon ngayon ay napakahalagang palakasin ng immune system sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at masustansiyang pagkain upang maiwasan ang mga karamdaman.

Batay sa pagsusuri, 42-porsyento sa mga Filipino ang nakakaranas ng stress, anxiety at depression sanhi ng patuloy na epekto ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila naman ng pansamantalang pagsasara ng mga parokya bunsod ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan, sinisikap pa rin ng simbahan na maihatid sa mga mananampalataya ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng online masses.

Isa na rito ang Radio Veritas na patuloy na nagsasagawa ng online Healing Masses na mapapakinggan sa Veritas 846 AM at mapapanood naman sa official Facebook page na Veritas846.ph tuwing alas-sais ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-sais ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 87,083 total views

 87,083 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 94,858 total views

 94,858 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 103,038 total views

 103,038 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 118,557 total views

 118,557 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 122,500 total views

 122,500 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,875 total views

 2,875 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,301 total views

 4,301 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top