142 total views
Matatamo ang katarungan at kapayapaan kung magkakaroon ng pagbabalik loob na magsisimula sa puso ng bawat isa.
Ito ang mensahe ni Haiti Archbishop Bernardito Auza, Apostolic Nuncio Permanent Observer of the Holy See to the United Nation sa ikalawang araw ng PCNE4 sa University of Sto.Tomas.
“Conversion is a condition of peace. Without conversion, peace will always remain ideal,” ayon kay Archbishop Auza.
Giit ng Arsobispo hindi makakamit ang kapayapaan kung patuloy pa rin ang paglikha ng malalakas na armas sa halip ay dapat manaig ang pagkilala sa bawat isa bilang magkakapatid.
Ang PCNE4 ay simula July 28 hanggang July 30, 2017 sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.
Ayon sa Arsobispo, hindi maihihiwalay sa pananampalatayang Filipino ang pagtatangi sa Mahal na Ina kung saan ang bansa ay may ibat-ibang katawagan kay Maria ang ina ni Hesus.
Binigyan diin ng arsobispo na ang Mahal na Ina ay may masidhing pagnanais para sa kapayapaan tulad ng naging habilin nito sa Fatima sa tatlong batang pastol.
Subalit, maging ang pagkilos tungo sa kapayapaan ay hindi maipapatupad kung hindi isasakatuparan ang panawagan ng pagbabalik loob.
Si Archbishop Auza ay tubong Tagbilaran Bohol at una naring naging kinatawan ng Vatican sa Madagascar, South Indian Ocean, Bulgaria at Albania.
Taong 2008 naman ng maitalagang Apostolic Nuncio to Haiti bago naitalaga sa UN noong 2014.
Kasama ring nag-concelebrate sa misa sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Most Rev. Salvatore Fisichella President, Pontifical Council for Promoting the New Evangelization.