Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,933 total views

Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13

Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Kaya kuwaresma dahil kuwarenta. Pagkakataon ito para sa apatnapung araw mga pagsasanay na espiritwal. Sa unang araw pa lang, noong Miyerkoles ng Abo, tatlong spiritual exercises na agad ang itinuro sa atin ng ebanghelyo: ang tamang paraan ng pagkakawanggawa, pananalangin at pag-aayuno. Hindi totoo ang pagsasanay, aniya kung pakitang-tao lang. Sa araw naman na ito ng unang Linggo ng Kuwaresma ang spiritual exercises naman na itinuturo sa atin ng ebanghelyo ay ang matalinong pagharap sa mga tukso ng Dimonyo. (Ang tunay na mga labanan na kailangan nating harapin sa mundo, sabi ni San Pablo ay mga labanang espiritwal. Hindi kapwa tao kundi dimonyo ang kalaban natin. Hindi katawan kundi kalooban natin ang pinupuntirya niyang kontrolahin.)

Ewan kung bakit sa Pilipino ginagamit din natin ang salitang MATINIK para ilarawan ang isang taong matalino o mahusay mag-isip. Siguro, ang tao parang rosas din—hindi sapat ang maganda at mabango lang siya. Kailangan matinik din. Panlaban daw ng rosas ang mga tinik niya, sa mga ibig sumira sa kanyang bango at ganda. Ganyan din sa tao. Dahil may kalaban tayo na ang laging hangad ay sirain ang likas na ganda at bango ng ating pagkatao, kailangan din natin tinik, ng talinong panlaban.

Ito ang nakikita ko bilang napaka-importanteng papel ng Espiritu Santo sa buhay natin sa mundo. Mas gusto ko ang salitang ginagamit ni San Lukas tungkol sa papel ng Espiritu Santo: pinatnubayan daw si Hesus sa pagharap niya sa mga tukso ng Diyablo.

Ang larawan na pumapasok sa isip ko ay isang sundalo na kailangang tumawid sa isang bukirin na puno ng “land mines” na hindi niya nakikita dahil nakabaon sa lupa. Pero may kasama siya na nakapuwesto sa di-kalayuan, nakasilip sa binoculars na nakaka-detect sa mga puwesto ng mga nakabaon na bomba. Ginagabayan niya ang sundalo sa pamamagitan ng walkie-talkie para makaiwas ito sa mga land mines na kapag natapakan niya ay siguradong sasabog at patay siya. Ang kasama niya ang nagbibigay ng direksyon sa kanya para makatawid siya nang ligtas.

Naalala ko na si Pope Francis minsan ay nagreact sa Italian translation ng Our Father, lalo na doon sa parteng nagsasabing “Ang lead us not into temptation” na sa Italiano ay “e non ci indurre in tentazione” (huwag mo kaming dalhin sa tukso). Parang hindi siya komportable dito kasi sabi niya, hindi naman ang Diyos mismo ang nagdadala o nagtutulak sa atin sa tukso. Mas pinaboran niya ang “e non abandonarci nella tentazione”—na sa tingin ko ay mas malapit sa Tagalog na “at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.” Lalong maganda sa Kapampangan (“Emu ke ipaisaul king tuksu.” Huwag mong hayaan na kami’y matalo ng tukso.) Wala nga namang ama na kusang magtutulak sa anak niya patungo sa panganib para lang matuto itong magpakatatag o magpakalalaki. Paggabay o pag-alalay ang ibinibigay ng ama sa anak, sa pagharap nito sa mga pagsubok sa buhay.

Ibig sabihin, kung paanong hindi nag-iisa si Hesus sa pagharap sa tukso, gayundin ang pangako niya sa atin na mga alagad niya. Tayo rin ay aalalayan ng Espiritu Santo sa pagharap natin sa mga tukso ng diyablo. Tagisan kasi ito ng talino kaya gumagamit din ng talino ang dimonyo. Sabi ng awtor na si CS Lewis, meron daw Doctorate degree in Human Psychology si Satanas. Kaya alam niyang samantalahin ang kahinaan ng tao. Alam niya kung paano tayo paglaruan lalo na sa usapin ng pagnanasa sa kayamanan, kapangyarihan at katanyagan. Alam kasi niya na likas sa atin ang pagnanasang makitulad sa Diyos. At totoo din naman na ibig ng Diyos na matulad tayo sa kanya, dahil nilikha niya tayo sa hugis at wangis niya. Mahusay siyang gumamit ng kapirasong katotohanan para sa kasinungalingan. Nililinlang niya tayo sa pamamagitan ng pag-aalok niya ng isang kapangyarihan na hindi naman niya kayang ibigay. Ang inaalok niya sa atin ay huwad na kapangyarihan. Ibig niyang iligaw tayo sa pagnanasang tumulad sa Diyos sa maling paraan, ibig sabihin, sa kanyang sariling paraan para mapabagsak tayo.

Napapanahon ang temang ito ng unang Linggo ng Kuwaresma. Lalo na at naghahanda na naman tayo sa ating national elections sa Mayo. Panahon na naman ng pangangampanya ng mga kandidatong naghahangad ng mga katungkulan sa gubyerno. Alam naman natin na ang pagpasok sa politika ay katulad din ng larawan na ginamit natin sa introduction: parang sundalo rin sila na kailangang tumawid sa isang bukirin na puno ng mga pasabog na pwedeng ikamatay ng konsensya sa pulitika. Isang malaking hamon ito sa ating mga Katolikong Laiko ngayon lalo na’t ang tipo ng politikang nakasanayan natin ngayon sa ating bansa ay may kinalaman sa pagpapatron imbes na pagiging totoong mga lingkod-bayan.

Totoo naman na ang politika ay may kinalaman sa kapangyarihan: hindi para mang-abuso o magsamantala sa kabang-yaman ng bayan, kundi para magsilbi sa kapakanan ng nakararami.
Magandang palaisipan ang pangatlong tukso sa ebanghelyo.Pinatayo daw ng diyablo si Jesus sa taluktok ng templo—isang simbolikong paraan ito ng pagparamdam sa kanya sa mataas na dignidad na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Naririnig natin ito sa Salmo 8 “Sino ba ang tao na iyong kinalulugdan? Ang anak ng tao na iyong inaalagaan? Ginawa mo siyang mistulang isang Diyos, pinutungan siya ng kaluwalhatian, ginawa mo siyang panginoon ng iyong nilikha at ipinailalim sa kanya ang lahat ng bagay.

Matinik din siya: itataas ka muna niya sa sarili mong paningin, para kapag kumagat ka, biglang ibabagsak. Ka niya. Kaya inulit-ulit niya: Anak ka ng Diyos; may mga mga karapatan ka. Samantalahin mo na.

Pero kung matinik si Satanas, di hamak na mas matinik ang Espiritu Santong gumagabay sa kay Hesus. Kaya hindi siya natalo sa panlilinlang at manipulasyon ng kalaban. Kababaang-loob ang nanaig sa kanya. Sa kahinaan ng kanyang pagkatao, doon niya tinuklas ang tunay na kalakasan ng Diyos: ang kapangyarihan ng pag-ibig na handang isuko ang lahat para sa minamahal. Kahit si San Pablo nahirapan din siyang tumanggap sa kanyang kahinaan bilang tao at nanalangin sa Diyos upang alisin ito. Ngunit ang sagot ng Diyos ay, “Sapat na ang aking biyaya para sa iyo. Sapagkat sa kahinaan, ang kapangyarihan ay nabibigyan ng kaganapan. Kung kailan ako mahina, doon ako malakas.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 17,923 total views

 17,923 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 28,901 total views

 28,901 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,352 total views

 62,352 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,674 total views

 82,674 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,093 total views

 94,093 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 4,064 total views

 4,064 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 3,905 total views

 3,905 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 5,318 total views

 5,318 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 7,315 total views

 7,315 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 4,555 total views

 4,555 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 5,880 total views

 5,880 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 6,078 total views

 6,078 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

GULONG NG PALAD

 6,790 total views

 6,790 total views 16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon, Lucas 6:17, 20-26 (See English version below, after the Original Tagalog text.) Isa sa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

OPEN OUR HEARTS

 7,068 total views

 7,068 total views Homily for February 14, 2025, Mk 7:31-37 EPHPHATA! BE OPENED! This is the cry of Jesus that opened the closed mouth and ears

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

POWER

 10,086 total views

 10,086 total views Homily for Tues of the 4th Wk in OT, 4 Feb 2025, Mk 5:21-43 The Gospel tells us Jesus felt power come out

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

SLOWLY BUT SURELY

 8,492 total views

 8,492 total views Homily for Friday of the 3rd Week in OT, 31 January 2025, Mk 4:26-34 There is a scene in the old movie on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

LIKAS NA TALINO

 11,709 total views

 11,709 total views Linggo ng Santo Niño, 18 Enero 2025, Lk 2:41-52 Para sa episode na ito ng Santo Niño Sunday, susubukan nating maintindihan ang natural

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

HARD TO ENTER INTO HEAVEN?

 13,845 total views

 13,845 total views Homily for Friday of the 1st Week in Ordinary Time, 17 January 2025, Mt 19:16-26 I used to react to this saying about

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGKAMULAT

 9,722 total views

 9,722 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top