VeritasPH

The Word, The Truth

Mauubos ba ang nagugutom?

SHARE THE TRUTH

 356 total views

Mga Kapanalig, ngayon, Oktubre 16, ay World Food Day. At ang slogan ng pagdiriwang ngayong taon ay “Our actions are our future.” Layunin ng araw na itong hikayatin ang lahat na kumilos ngayon upang maging posible ang isang “Zero Hunger World” sa taong 2030. Darating nga kaya ang panahong wala nang magugutom?

Ayon sa report na State of Food Security and Nutrition in the World ng Food and Agriculture Organization o FAO, hindi bababâ sa 800 milyong tao sa mundo ang undernourished o kulang sa nutrisyon dahil salát sila sa pagkain. Maliban sa mga digmaan at mabagal na paglago ng ekonomiya, itinuturong nasa likod ng problemang ito ang mga kalamidad na pinalalalà ng climate change. Malaking pinsala sa agrikultura ang dala ng mas malalakas na ulan at mas mahabang panahon ng tagtuyot, at ito naman ang magiging dahilan ng kakulangan sa pagkain at pataas ng halaga nito. Kung marami ang walang makain—dahil wala na silang maani o kaya nama’y wala silang pambili—bumababa ang tinatawag nating food security, na dahilan naman ng undernourishment.

Sa Pilipinas, ayon sa Annual Poverty and Income Survey noong 2017, nasa 800,000 na pamilya ang nakaranas ng gutom. Mahigit kalahati sa bilang na ito ay mula sa pinakamahihirap na pamilya o bottom 30% income households. At maaaring dumami pa ito ngayong sumipa na sa 6.7% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Nariyan din ang mga kalamidad gaya habagat noong Agosto at ng Bagyong Ompong noong Setyembre na nanalasa sa mga sakahan at nakaapekto sa presyo ng mga bilihin.

Sa Catholic social teaching na Caritas in Veritate, sinabi ni Pope Emeritus Benedict XVI: “The right to food… has an important place within the pursuit of other rights, beginning with the fundamental right to life. It is therefore necessary to cultivate a public conscience that considers food and access to water as universal rights of all human beings, without distinction or discrimination.” Mahalaga sa pagkamit ng ibang karapatan, simula sa karapatang mabuhay, ang karapatan sa pagkain. Paano nga ba naman masasabing makatao ang pamumuhay ng mga tao kung kumakalam ang sikmura nila? Mahalaga, samakatuwid, na maunawaan nating ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay karapatan ng lahat, anuman ang estado ng kanilang pamumuhay.

Naniniwala rin ang Santa Iglesia na konektado sa isyu ng food security ang krisis na kinakaharap ng ating kalikasan bunsod na rin ng climate change. At itinutuon ng Simbahan ang pansin natin sa mahihirap dahil sila ang unang nakararanas ng gutom pagkatapos ng matitinding kalamidad. Ang mga magsasaka, nawawalan ng ani. Ang mga mangingisda, hindi makapunta sa laot. Kung nasira ang kanilang sakahan at kung wala silang huling isda, gutóm ang kanilang mga pamilya.

Ngunit sa likod ng problema ng kawalan ng pagkain at kagutuman ay ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. At ang kalagayang ito ay, una sa lahat, mula sa kasakiman nating mga tao. Mula ito sa kawalan natin ng pakialam sa mga kapatid nating napagkakaitan ng pagkain sa kabila ng kasaganahan sa pagkain ng iilan. Mula ito sa ating pagpapabayâ at pagsasamantala sa kalikasang nakikita natin bilang kasangkapan lamang para sa kaunlarang pinakikinabangan lamang ng iilan. Kung naibabahagi lamang natin nang tama ang mga biyayang inilaan ng Diyos para sa lahat, tiyak na may pagkaing sapat para sa lahat, tiyak na walang magugutom.

Kaya mga Kapanalig, darating nga ba ang panahon na walang nagugutom? Gaya ng mensahe ng tema ng World Food Day ngayon, nakasalalay ang ating kinabukasan sa mga kilos natin sa kasalukuyan. Darating ang panahong walang magugutom kung kikilos tayo ngayon para sa dignidad ng tao, kung kikilos tayo para pangalagaan ang kalikasan, kung kikilos tayo laban sa kasakiman.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,670 total views

 6,670 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,656 total views

 22,656 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,701 total views

 30,701 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,781 total views

 35,781 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,487 total views

 41,487 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 6,671 total views

 6,671 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 22,657 total views

 22,657 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 30,702 total views

 30,702 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 35,782 total views

 35,782 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,488 total views

 41,488 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,537 total views

 44,537 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,462 total views

 41,462 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,776 total views

 55,776 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,466 total views

 59,466 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,069 total views

 58,069 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,056 total views

 68,056 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,024 total views

 72,024 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,911 total views

 82,911 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,350 total views

 95,350 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,108 total views

 106,108 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top