Maximum health protocols, mahigpit na ipapatupad ng Diocese of Tarlac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total views

Ipapatupad sa Diocese ng Tarlac ang 30-percent seating capacity sa pagsasagawa ng mga religious activities matapos i-anunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac na isasailalim sa General Community Quarantine ang lalawigan.

Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, mahigpit na ipatutupad sa buong Diyosesis ang pagsunod sa minimum health protocols batay na rin sa panuntunan ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mananampalataya.

“Magre-reduce sa 30 percent capacity ang simbahan pero tuloy pa rin ang mga misa namin… Syempre ‘yung protocols, strictly to be observe pa rin. ‘Yung [physical at social] distancing, handwashing, [face]masks and faceshield ay i-implement ‘yun sa mga simbahan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Macaraeg sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Bishop Macaraeg na kasabay ng pagbabawas sa kapasidad ng mga maaaring dumalo sa mga banal na pagdiriwang ay dadagdagan rin ng Diyosesis ang pagsasagawa ng mga online Masses.

Mula sa Modified GCQ, ipinag-utos ng Provincial Inter-Agency Task Force na isailalim sa GCQ ang buong lalawigan ng Tarlac bilang pag-iingat na maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 maging ang banta ng mapaminsalang Delta variant.

Magsisimula ito mamayang hatinggabi ng Agosto 12 hanggang 31, 2021, mahigpit na ipapatupad ang pagbabantay sa mga Border Control Points ng lalawigan upang masuring mabuti ang mga manlalakbay na papasok sa Tarlac mula sa mga karatig na lalawigang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine at ECQ.

Batay sa huling tala ng Tarlac Province COVID-19 Case Bulletin, umabot na sa 9,591 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lalawigan, kung saan nasa 651 ang kasalukuyang aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,790 total views

 85,790 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,790 total views

 85,790 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,790 total views

 85,790 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,194 total views

 83,194 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,957 total views

 75,957 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top