VeritasPH

The Word, The Truth

 518 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon, 24 February 2022, Mk 9:41-50

Masyadong siryoso ang karaniwang image natin kay Jesus. Pero ako, batay sa mga nababasa ko sa mga ebanghelyo, sa tingin ko, palabiro siyang tao, may malakas na sense of humor. Palagay ko, maraming beses nagpapatawa siya, pero baka hindi na lang natin masakyan yung ibang jokes niya dahil iba na ang kultura natin ngayon sa kanila noon.

Kung minsan idinadaan niya sa biro pero, sa totoo lang, pinapaisip lang pala niya ang mga kausap niya. Katulad ng pagbasa natin ngayon. Pero wala naman akong nakitang natawa kaninang binabasa ni Fr Victor ang Gospel. Ang iba nga napansin ko napakunot-noo at parang nagtanong sa sarili, ANO DAW? Sino nga ba namang baliw ang gagawa noon, na kapag nainis siya sa isang bahagi ng katawan niya ang gagawing solusyon ay puputulin niya o dudukitin nya?

Hindi ba katawa-tawa, kung, halimbawa nagnakaw ka, tapos, pagagalitan mo ang kamay mo? Sasabihin mo sa kanya, “Napaka-bad mong kamay ka. Galit ako sa iyo dahil nandukot ka na naman. Nagkasala tuloy ako.” O kaya nagpunta ka sa sugalan at natalo lahat ng pera mo sa sugal. Tapos pagagalitan mo ang mga paa mo at sasabihin mo, “Galit ako sa inyong dalawa! Bad kayo! Dinala na naman ninyo ako sa sugalan!”

Maiintindihan mo pa kung talagang may diperensya yung taong magsabi ng ganoon. Halimbawa, yung Dutch painter na si Vincent Van Gogh. Ayon sa kuwento, pinutol daw niya ang isang tenga niya. Siguro dahil sa dami ng mga tinig na naririnig niya noong napapraning na siya. Hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang diperensya sa pag-iisip. Bakit mo naman pagagalitan ang kamay, o paa, o mata mo, e sariling isip mo ang nag-utos sa kanila na gumawa ng masama, di ba?

Talagang matalinghaga kung magturo si Hesus, kung minsan. Patatawanin ka muna, pero maya-maya paiiisipin ka. Sasabihin mo sa sarili, “Bakit kaya niya sinabi iyon?” Paraan lang yung joke para mapaisip kang mabuti, para makuha mo ang punto niya.

At ang katawan na tinutukoy ni Jesus ay hindi literal o indibidwal na katawan. Naghahalintulad lang siya. Si San Pablo meron din siyang sinabing ganoon—tayo, aniya, ay mga bahagi ng iisang katawan. Meron tayong iba’t ibang mga silbi o gawain pero kabahagi natin ang isa’t isa dahil bahagi tayo ng iisang katawan.

Nasusulat iyon sa 1 Corinthians 12. Nagpapatawa rin siya doon. Sasabihin daw ba ng tenga sa mata, dahil hindi siya mata, wala siyang kinalaman sa kanya o sa ibang bahagi?” Hindi ba mahihirapan ang bibig na sumubo ng pagkain kung hindi siya tutulungan ng mata para makita ang kinakain?

Kapag tumatawid ka ng kalsada, tapos di mo napansin ang paparating na sasakyan, pero bumusina ito at napalundag ka, hindi ba pinun’an ng tenga mo ang pagkukulang ng mata mo at naging paraan ito para mailigtas ang buhay mo? Ang punto, kahit totoong kung minsan nakakainis na talaga ang ibang tao o nakakapagkasala na ang iyong kapwa-tao sa ginagawa niya, hindi naman natin sila basta na lang puputulin o aalisin sa buhay natin, di ba? Lalo na kung ang mga taong iyon ay hindi iba sa atin. Hindi iyan kasing dali ng pag-unfriend sa FB. Isang click lang.

Pwede mo bang saktan ang isang taong mahal mo o kabahagi ng buhay mo na hindi mo nasasaktan ang mismong sarili mo? Hindi nga ba may kasabihan tayong mga Pilipino, “Ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.”

May dagdag pa sa dulo ng ebanghelyo si Jesus. Medyo mahirap na ring intindihin sa panahon natin ngayon: tungkol naman sa asin at apoy. Pinagsama pa nga niya. Sabi niya, “Lahat ay aasinan ng apoy.”

Alam nila noon pa man na panlaban nila sa pagkabulok ang asin at apoy. Para magtagal ang karne noong unang panahon na wala pa silang mga refrigerator, inaasinan nila at pinauusukan ito.

Pero sa Gospel, mas tinutukan ni Jesus ang larawan ng asin. Delikado aniya ang mawalan ng alat sa buhay. Siguro kahit wala pa silang gaanong alam noon tungkol sa biology, kahit sa obserbasyon lang, alam nila na maalat ang luha at pawis ng tao. May asin. Importante ang alat sa buhay, kahit delikado rin naman ang masobrahan nito. Alam nilang kung minsan, kapag kulang sa asin ang tao, pag mababa ang sodium level niya, parang nababalisa siya at minsan hihimatayin pa.”

Kaya sinabi ng Panginoon, “Magkaroon kayo ng asin upang kayo ay maging payapa.” Ang tinutukoy din niya ay ang katawan, ang Santa Iglesya, ang samahan ng mga alagad na may misyon sa daigdig upang maging asin.

Noong unang panahon, sa binyag, bukod sa ritwal ng paglulubog sa tubig at pagbibigay ng ilaw ng nakasinding kandila, inaasinan din nang konti sa bibig ang binibinyagan. Parang ang simbahan ay samahan ng mga “inasinan” upang hindi sila madaling mahawa sa kabulukan at katiwalian na mabilis kumalat sa mundo.

Kapag may sigasig pa rin ang tao, kahit nagkakaedad na siya, sa Pilipino sinasabi natin, MAY ALAT PA SIYA. Iyong alat na tinutukoy ni Jesus at apoy na inilalarawan niya ay hindi negative kundi positive. Ito ay nakapagpapagaling, panlaban sa kasamaan, at nakapagdudulot ng pagkakaisa sa Katawan ni Kristo. Sa araw na ito ng pyesta ng ating Patrona, mga kapatid sa Mission Station ng Birhen ng Kapayapaan dito sa Letre, Malabon. Kung gusto ninyong maging tunay na mapayapa, sana panatilihin ninyo ang inyong alat ng sigasig bilang nagkakaisang mga alagad ni Kristo. May alat pa ba kayo?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,488 total views

 11,488 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,533 total views

 19,533 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,613 total views

 24,613 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,320 total views

 30,320 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,108 total views

 39,108 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,513 total views

 2,513 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 6,929 total views

 6,929 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,256 total views

 2,256 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,779 total views

 2,779 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,278 total views

 4,278 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,122 total views

 5,122 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,377 total views

 3,377 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,590 total views

 7,590 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,823 total views

 6,823 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,035 total views

 11,035 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,483 total views

 4,483 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,487 total views

 4,487 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,487 total views

 4,487 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,479 total views

 4,479 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,479 total views

 4,479 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top