Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May mas mahalaga kaysa sa Cha-cha at pederalismo

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Mga Kapanalig, ikinabahala marahil ng mga nagtutulak ng pederalismo ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan tinanong ang mga respondents tungkol sa pagpapalit ng ating sistema ng pamahalaan at pagbabago ng ating Konstitusyon.

Sa naturang survey na ginawa noong huling bahagi ng Marso, lumitaw na 66% o halos 7 sa bawat 10 Pilipino ang tutol na gawing pederal ang sistema ng ating pamahalaan, kung saan hahatiin ang bansa sa iba’t ibang estado na may kani-kaniyang patakaran at may limitadong kontrol ang pambansang pamahalaan. Anuman ang katayuan ng pamumuhay ng mga respondents, mas marami ang hindi pabor na palitan ang kasalukuyang sistema sa ngayon. Mas marami—36%—ang mga nagsabing hindi dapat kailanman palitan ang sistema ng ating pamahalaan kaysa sa mga nagsabing bukás sila sa ganitong pagbabago ngunit hindi sa ngayon—mga 30%. Mas dumami rin ang mga hindi payag na amyendahan ang Saligang Batas ng 1987—mula 44% noong 2016, umakyat ito sa 64% ngayong 2018. Gayunman, marami pa rin sa ating mga Pilipino ang kulang o walang kaalaman tungkol sa nilalaman ng Konstitusyon.

Ano ang ipinahihiwatig ng survey results na ito ng Pulse Asia?

Para sa administrasyon, salamin daw ito na kulang pa ang kanilang ginagawa upang ipaalam sa mga Pilipino ang mga benepisyo at positibong bunga ng pederalismo. Ito ay sa kabila ng malaking ginagastos ng DILG para sa mga pa-meeting sa mga barangay kung saan, ayon sa ating mga naririnig, puro lamang magagandang bagay tungkol sa pederalismo ang ipinaliliwanag.

Para naman sa mga grupong tumututol sa pederalismo at Charter change, ipinakikita ng resulta ng survey na nalilinawan na ang mga mamamayan tungkol sa maitim na adyenda ng mga nagtutulak ng pederalismo at ng pagpapalit ng Konstitusyon.

Hindi kaya, mga Kapanalig, ipinakikita rin ng survey results na may ibang mas mahalagang isyu at pangangailangan ang bayan na dapat bigyan ng pansin ng ating pamahalaan?

Sa mas naunang survey na ginawa ng Pulse Asia, hindi concern o alalahanin ng mga Pilipino ang pagbabago ng ating Saligang Batas. Nasa dulo ito ng listahan ng mga kagyat o urgent na national concerns ng mga Pilipino. Nangunguna sa listahan ang mga ‘ika nga’y “malapit sa sikmura” ng mga Pilipino: pagtataas sa sahod ng mga manggagawa, pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation, at pagkakaroon ng maraming trabaho. Tiyak na matutugunan natin ang mga ito kahit hindi natin baguhin ang ating Konstitusyon o ang sistema ng ating pamahalaan.

Walang pinapaborang iisang sistema ng pamahalaan ang Simbahan, ngunit sa kasalukuyan nating kalagayan—kung saan marami ang hindi pinapasahod nang sapat, marami ang umaaaray sa nagtatataasang presyo ng bilihin, at marami ang walang disenteng hanapbuhay—kikiling ang Simbahan sa mga nananawagan sa pamahalaang unahin ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra ni St John XXIII, ang kagalingan ng lahat (o common good) ang nagbibigay-katwiran sa lahat ng hakbang ng pamahalaan. Ang kapangyarihang nasa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan nating pangasiwaan ang pamahalaan ay dapat na ginagamit sa pagsusulong, hindi ng kanilang interes, kundi ng interes ng mga mamamayan—gaya ng pagtiyak na patas ang mga negosyante sa kanilang mga manggagawa, ng pagpapanatiling abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin, at ng pagpapaunlad ng ekonomiya upang dumami ang trabaho.

Mga Kapanalig, tiyak naman tayong ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito upang matugunan ang mga prayoridad ng mga Pilipino, ngunit marami pa itong magagawa gamit ang pondo at panahong inilalaan sa mga bagay na hindi naman nakapagbibigay ng trabaho at hindi naman napapakain ang mga nagugutom.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,196 total views

 7,196 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,677 total views

 14,677 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,817 total views

 27,817 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,790 total views

 33,790 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 39,544 total views

 39,544 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 7,197 total views

 7,197 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 14,678 total views

 14,678 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 27,818 total views

 27,818 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 33,791 total views

 33,791 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 39,545 total views

 39,545 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,585 total views

 40,585 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,669 total views

 41,669 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,050 total views

 37,050 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,054 total views

 49,054 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,096 total views

 57,096 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,653 total views

 48,653 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,078 total views

 47,078 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,864 total views

 48,864 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,789 total views

 45,789 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,103 total views

 60,103 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top