612 total views

Mga Kapanalig, sang-ayon ba kayo sa panukalang batas ng Gabriela Women’s Party na Menstrual Leave Act? Sa panukalang ito, magkakaroon ng dalawang araw na bayád na leave ang mga babaeng nakararanas ng sakit dala ng kanilang pagreregla.  

Kung si dating Senator Ping Lacson ang tatanungin, hindi makatutulong ang panukala sakaling maging batas ito.1 Baka tanggalin daw sa trabaho ang mga babae o hindi na lang sila tanggapin. Sinuportahan ng ilang negosyante ang posisyon ng dating senador. Nanawagan sila sa mga mambabatas na pag-aralang mabuti ang mga implikasyon ng panukala sa ekonomiya ng bansa. Posible raw na hindi kayanin ng ilang negosyo ang karagdagang 24 na bayád na leave sa loob ng isang taon.2  

Taliwas naman ito sa pananaw ng ilang labor groups at mga nagsusulong sa karapatan ng kababaihan. Para kay Partido Manggagawa Secretary-General Judy Miranda, anti-women at pro-capitalist ang naging pahayag ng dating senador. Paliwanag niya, matagal na raw nilalabanan ng mga malalaking negosyante ang pagkakaloob ng mga benepisyo sa kababaihan na may kinalaman sa kanilang reproductive health rights at kalusugan.3 May mga nagsabi ring napatunayan na ng mga pag-aaral sa mga bansang mayroong menstrual leave na nakatutulong ito upang mapanatiling nagtatrabaho at produktibo ang mga babae. Pinabababa rin nito ang turnover o pagpapalit-palit ng mga manggagawa. Kung may epekto man ito sa mga negosyo, napakabahagya lamang din daw. Kung nais ng mga kumpanyang magkaroon ng mahuhusay na manggagawa at manatili sila sa kanila, kailangan nilang ipakita sa kanilang mga empleyado, kabilang ang mga babae, na inaalagaan at iginagalang sila.4 

Samu’t sari namang karanasan patungkol sa pagkakaroon ng regla habang nagtatrabaho ang ibinahagi ng mga netizens. May nagkuwento tungkol sa hinimatay nilang guro sa gitna ng klase dahil sa dysmenorrhea o matinding pagsakit ng puson dahil sa pagkakaroon niya ng regla. May mga nagsabing hindi sila makagalaw sa tindi ng dysmenorrhea at hindi makapagtrabaho nang maayos sa mga araw na may dalaw sila. May nakararanas din ng migraine, pananakit ng likod at balakang, pamumutla at panghihina na kailangang tiisin ng mga babae habang nagtatrabaho.5 Bagamat iba-iba ang epekto ng pagkakaroon ng regla sa mga babae, hindi maitatangging kalbaryo itong pinapasan ng maraming sa kanila.  

Naniniwala ang Simbahang mahalaga ang ambag ng kababaihan sa lahat ng aspeto ng ating lipunan.6 Kaya naman, importante ang pakikilahok nila sa paggawa. Bahagi ng mga karapatan ng kababaihan ang pagtatrabaho at pagsigurong maayos ang kundisyon ng lugar ng kanilang trabaho upang magawa nila ang kanilang mga dapat gawin. Nakabatay ang mga karapatang ito sa hindi maipagkakait na dignidad ng kababaihan sapagkat katulad ng sabi sa Genesis 1:27, “nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan; nilalang Niya silang lalaki at babae.”  

Importante ang masusing pag-aaral sa panukalang Menstrual Leave Act. Kasabay ng pagtingin sa magiging epekto nito sa mga negosyo, kailangang bigyang-atensyon ang kalagayan ng mga babaeng manggagawa. Kasama rito ang pagkilala sa kanilang mga pangangailangang dala ng kanilang pisikal na pagkakaiba sa mga lalaki. 

Mga Kapanalig, mahalaga ang mga hakbang na nagtataguyod sa dignidad ng kababaihan at nagpapabuti sa kanilang kalagayan sa paggawa. Hindi maituturing na tunay na maunlad ang ating ekonomiya at lipunan hangga’t mayroon tayong isinasantabing mga sektor batay sa kanilang kasarian.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Maliit na Kabuhayan

 6,532 total views

 6,531 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »

Technical Vocational Education and Training

 16,771 total views

 16,770 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »

Paglago ng Artificial Intelligence

 5,547 total views

 5,546 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »

“Climate crisis is a child crisis”

 25,144 total views

 25,143 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Kuryente at kalikasan

 35,990 total views

 35,989 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maliit na Kabuhayan

 6,533 total views

 6,533 total views Maliit man ang kabuhayan, ito naman ang pinanggagalingan ng yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Ang small business, kapanalig, ay karaniwang source of livelihood na natin. Minsan ito na ang main source of income, minsan, side gig lamang ito para may pandagdag pang-gastos. Ang kasabihan na ang maliit ay nakakapuwing ay totoo pagdating sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Technical Vocational Education and Training

 16,772 total views

 16,772 total views Kapanalig, marami sa atin sa technical and vocational education umaasa para magkaroon ng trabaho. Tinatayang umabot sa mahigit pa sa 1.2 million ang technical vocational education and training (tech-voc) graduates at halos isang milyon na rin ang certified skilled workers noong 2023. Ang laking tulong ng tech-voc sa maraming pamilya. Dahil dito, nagkakaroon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paglago ng Artificial Intelligence

 5,548 total views

 5,548 total views Maraming inobasyon at modernong teknolohiya ang nagdadala ng malawakang pagbabago sa job landscape hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo ngayon. Malaking hamon ito sa mga bansang gaya sa atin na nangangailangan ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa maraming mamamayan. Isa ngang halimbawa ngayon ay ang mabilis na paglaganap ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Climate crisis is a child crisis”

 25,145 total views

 25,145 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente at kalikasan

 35,991 total views

 35,991 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paano tayo bumuboto?

 44,197 total views

 44,197 total views Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac.  Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Learning Poverty

 41,857 total views

 41,857 total views Ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng kaunlaran. Mapa-pormal o impormal man, ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan na kailangan ng tao upang makamit ang mas maginhawang buhay. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, umiiral pa rin ang learning poverty sa ating bansa. Hanggang ngayon kapanalig, nakaka-alarma ang taas ng antas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan at Climate Change

 61,201 total views

 61,201 total views Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at makulay na kultura. Sa kabila ng yamang ito, napakarami pa rin sa ating bansa ang napakahirap, kapanalig. Ayon sa mga datos, halos ikatlo ng ating populasyon ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.  Base sa opisyal na datos, ang Central Visayas ang may

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Internet para sa Lahat

 37,554 total views

 37,554 total views Kapanalig, andito na tayo sa panahon ng digitalization at artificial intelligence. Hindi na dapat tayo babagal bagal at aandap andap sa pagyakap ng ganitong teknolohiya. Tayo ay nasa panibagong industrial revolution na  – at ang mahuli, talo. Pero sa ating bansa, ang access sa internet ay hindi pantay pantay hanggang ngayon. Kaya’t kahit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mabisang 911 emergency hotline sa Pilipinas

 42,453 total views

 42,453 total views Mga Kapanalig, kapag tayo ay tumawag sa Diyos, sabi sa Isaias 65:24, ang Kanyang tugon ay mabilis.  Sa inyong karanasan, ganito rin ba ang tugon ng ating gobyerno sa tuwing ang mga mamamayan ay tumatawag sa kanila upang humingi ng tulong? Mabilis din ba itong sumagot sa ating tawag? Siguro, para sa ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanlungan sa kumukulong planeta

 45,255 total views

 45,255 total views Mga Kapanalig, patuloy pa rin ang pagdanas natin ng napakatinding init. Noong nakaraang linggo, umabot na sa 131 na lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño. Halos kada araw ay may mga paaralang nagsususpinde ng face-to-face classes dahil sa init. Inaasahang magtatagal pa ang El

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang karapatan ng mga dalaw

 44,440 total views

 44,440 total views Mga Kapanalig, naghain ng reklamo sa Commission on Human Rights (o CHR) ang mga asawa ng persons deprived of liberty (o PDL), partikular na ng mga political detainees, dahil sa “strip search” na isinagawa sa kanila sa New Bilibid Prison (o NBP). Pinaghubad at pina-squat daw sila nang ilang beses bago madalaw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 67,095 total views

 67,095 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 72,496 total views

 72,496 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 79,195 total views

 79,195 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top