Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 253 total views

Homiliya para sa Huwebes ng Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Abril 2022, Jn 8:51-59

Kailangang balikan natin ang mga naunang linya para mas maintindihan ang ating Gospel reading ngayon. Sinasagot kasi ni Hesus ang paratang sa kanya na siya daw ay “Samaritano at nasasaniban ng dimonyo.” Palagay ko ito ang dahilan kung bakit HUDYO (Jewish) ang tawag ni San Juan sa mga nagbabanta kay Hesus.

Noong una hindi ko ito gaanong maintindihan. Naisip ko tuloy na baka ito ang nagpasimula sa tendency ng ilang mga Kristiyano na maging ANTI-JEWISH o ANTI-SEMITIC. Kahit sa mga pabasa sa Pasyon kapag Mahal na Araw, madalas nating marinig ang salitang “HUDYO”. Na mga Hudyo raw ang nagpako kay Hesus sa krus. Paano mangyayari iyon kung nasa ilalim ng awtoridad ng Roman empire ang Jerusalem noong ipako si Hesus sa krus?

Iyun pala, merong dalawang kahulugan ang salitang HUDYO o YEHUD sa Hebreo. Pwedeng ito’y may kinalaman sa pagiging mamamayan ng Judea, at pwede rin itong tumukoy sa relihiyon ng buong bayang Israel, ang bansang sumasamba sa Diyos na si Yahweh. Mukhang mas sanay tayo sa pangalawa.

Paano ba magiging kalaban ni Hesus ang mga Hudyo kung Hudyo rin ang pananampalatayang kinagisnan niya? Gayundin ang buong pamilya niya, at halos lahat ng mga naunang mga alagad niya, pati ang labindalawang apostol?

Ang distinction na ito ay medyo hawig sa relasyon ng “Tagalog” at “Filipino”, o sa “Kastila” at “Espanyol”. Noong first time na napunta ako sa Barcelona, Spain, tinanong ako kung “Tagalog” daw ba ako. Sabi ko, hindi. Sabi ng nagtatanong, akala ko ba Filipino ka, edi Tagalog ang salita mo? Sabi ko, marunong ako ng Tagalog, at Filipino citizen nga ako, pero hindi lahat ng Filipino ay Tagalog. Medyo nalito siya. Sabi ko, Kapampangan ako, taga-Pampanga, isang rehiyon sa Central Luzon.

Para mawala ang pagkalito niya, ginamit kong halimbawa ang Kastila at Espanyol. Sabi ko, parang kayo rin, di ba? Kung tatanungin ko kayo kung Kastila ba kayo, siguradong sasabihin n’yo, hindi. Kung magri-react ako at sasabihin ko,”Akala ko ba Espanyol kayo?” Siguradong sasabihin ninyo, “Oo, Espanya ang tawag sa bansa namin at Kastila ang basehan ng linggwaheng tinawag na Espanyol, pero kami ay Catalan, taga-rehiyon ng Catalunia, na iba sa mga taga-Castilia, Galicia, Andalucia, Basco. Kaya hindi kami Kastila.”

Ang lumang Israel sa Bibliya ay maraming pinagdaanan sa kasaysayan. Ang dating confederation ng mga tribes ay naging isang bansa, naging isang kingdom sila noong panahon nina King Saul, David at Solomon. Pero na-divide ang bansang ito pagkatapos ni Solomon, naging dalawang bansa: ang Northern Kingdom na nag-retain sa pangalang “Israel”, na ang capital ay Samaria, at ang Southern Kingdom of “Judah”, na ang capital ay Jerusalem.

Nanatili ang division sa loob ng dalawang daang taon, hanggang sa sinakop ng Assyrian Empire ang Northern Kingdom of Israel. Mula noon nagbago ang meaning ng Samaritano. Dati citizenship lang ito. Later naging parang relihiyon din ito, nawalay sa mga Hudyo dahil naghalo ang kultura at relihiyon ng mga Israelita at mga paganong taga-Assyria. Kaya naging mababa ang pagtingin ng mga Hudyo sa mga “Samaritano”. Sa tingin nila, nahaluan na sila, hindi na puro ang kanilang pananampalataya.

Kung tutuusin, hindi naman talaga taga-Judea si Hesus. Palagay ko iyon ang ibig sabihin ng mga kausap niya na tumawag sa kanya na “Samaritano”. Taga-Norte siya katulad ng mga Samaritano. Pero taga-Galilea siya, hindi siya taga-Judea o Samaria. Hindi siya Hudyo, strictly speaking, dahil hindi siya taga-Judea, pero ang nakagisnan niyang relihiyon ay mas malapit sa mga Hudyo kaysa sa mga Samaritano.

Sa panahon natin ngayon, ang tawag sa ganitong attitude ay REGIONALISM o NATIONALISM. Alam nyo ba na sa Europe, negative na ang meaning ng NATIONALISM, dahil iniuugnay ito kay Hitler, sa mga Nazi (national socialism) na nagpalaganap ng racism sa Europa? Mas mataas daw ang pagkatao ng purong German na galing sa Aryan race. Mababa ang tingin sa iba, lalo na sa mga Hudyo.

Dati, ganyan din tayo. (Baka nga hanggang ngayon meron pa rin tayong regionalistic tendency. Nakikita iyan kapag eleksyon na—katulad ng mga botante na magsasabing, “Bakit ba boboto pa ako ng iba, doon na ako sa kapwa ko Ilocano?” May mga panahon na nakakalimutan natin ang common identity natin bilang Filipino.

Totoo namang wala pa tayong kinalaman sa isa’t isa noong una. Dahil maraming isla tayo, insular kung mag-isip, regionalistic, may kanya-kanyang ethnic identity, linggwahe at kultura. Nagkaroon lang tayo nga common identity noong labanan natin ang mga Kastila at Amerikano. Tinawag nating Filipino ang sarili natin bilang reaksyon sa mababang pagtingin ng mga Kastila sa mga katutubo na dating tinatawag na mga INDIOS ng Kastila at tinuturing na mas mababa ang pagkatao.

Magaling si Hesus, ipinaalala niya sa kausap niya na Taga-Judea man o Galilea o Samaria, na anak silang lahat ni Abraham, at ang misyon ni Abraham ayon sa narinig natin sa first reading ay maging AMA NG MARAMING BANSA. Hindi lang ang pagkaisahin ang mga anak ni Israel, kundi ang buong sangkatauhan. Na tayo’y galing sa iisang pamilya ni Abraham: Hudyo, Muslim, o Kristiyano.

Pero higit pa roon ang panawagan niya. Na merong higit pa kay Abraham na pwedeng maging punto ng pagkakaisa. Ito’y walang iba kundi ang Diyos mismo ni Abraham—si AKO’Y AKO NGA. Ang mensahe ni Hesus ay, “Kung magtuturingan tayo, hindi lang bilang mga anak ni Abraham, kundi mga anak ng Diyos, mas malawak ang pagkakaisang maaabot natin. Magiging magkakapatid tayong lahat, anuman ang uri, lahi, o salita ang pinagmulan natin.

Ito ang dalang regalo ni Hesus, ang Anak ng Diyos na naki-kamag-anak sa lahat ng tao nang siya’y nagkatawang tao. Sa pamamagitan niya, pwede nating itayo ang isang mas mataas na sibilisasyon, kung kaya nating tanggapin ang bawat tao bilang KAPATID.

Ginawang kanta ito noon at inawit ng New Mistrels:

“Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal, isipin mong tayong lahat ay MAGKAKAPATID.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 3,228 total views

 3,228 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 10,710 total views

 10,710 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 23,850 total views

 23,850 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 29,823 total views

 29,823 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 35,578 total views

 35,578 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 962 total views

 962 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 963 total views

 963 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,717 total views

 3,717 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,132 total views

 8,132 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,458 total views

 3,458 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,981 total views

 3,981 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,480 total views

 5,480 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,324 total views

 6,324 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,579 total views

 4,579 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,792 total views

 8,792 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,024 total views

 8,024 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,234 total views

 12,234 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,682 total views

 5,682 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,686 total views

 5,686 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,686 total views

 5,686 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top