Mga aral at babala mula sa trahedya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 715 total reads

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit 41,000 katao na ang naitatalang namatay sa dalawang napakalakas na lindol na tumama sa mga bansang Turkiye at Syria.

Sumabay ang 7.8 at 7.5 magnitude na lindol sa matinding taglamig na nararanasan sa mga bansang iyon, at lalo itong nagpapahirap sa kalagayan ng mga nakaligtas. Sa Syria, dagdag-dagok ang pinsalang iniwan ng lindol sa nagpapatuloy na civil war doon. Tunay na nakapanlulumo ang nangyari sa Turkiye at Syria. Ang nararanasan nilang pagdadalamhati ay naranasan din ni Hesus, gaya ng mababasa natin sa Juan 11:35, kaya dasal nating maipakita ng Maykapal sa mga naapektuhan ng lindol na Siya ay isang Diyos na tumatangis din at nararamdaman ang kanilang sakit. Maramdaman sana nila ito sa mga naghahatid sa kanila ng tulong at kalinga.    

Samantala, magsilbing mahalagang aral din sana sa atin dito sa Pilipinas ang trahedyang nangyari sa Turkiye at Syria.  

Hindi naman sa nananakot tayo, ngunit ang ating bansa ay isa sa mga bansang pinakalantad sa lindol. Nakapaloob kasi tayo sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan maraming bulkan at madalas maganap ang mga lindol. Ayon nga sa Philippine Institute of Volcanolgy and Seismology (o PHIVOLCS), nasa 100 hanggang 150 na lindol ang yumayanig sa bansa bawat taon. Ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa atin ay noong 1990 kung saan pinabagsak ng magnitude 7.7 na lindol ang maraming gusali. Hindi bababâ sa dalawang libo ang namatay.

Sa Turkiye, sinisisi sa malawak na pinsala ang hindi pagsunod ng mga contractors sa mga building at engineering standards. Mahigit isandaang indibidwal ang hinuli at pinagpapaliwanag kung bakit tila mga toreng papel na bumagsak ang mga itinayo nilang gusali. Ngunit may mga nagsasabing istratehiya lamang ito ng gobyerno sa Turkiye upang hindi sa kanila bumagsak ang sisi. May patakaran din kasi roon na pinapayagang magbayad na lang ng penalty ang contractor ng isang gusaling hindi sumunod sa mga regulasyon, at hinahayaan na lang itong okupahan ng mga tao kahit hindi matibay at matatag. Noon ngang 2019, inamin ng gobyernong mahigit kalahati ng mga gusali sa Turkiye, na katumbas ng 13 milyong apartment units, ay hindi compliant sa kanilang building code.

Dito sa Pilipinas, gaano nga ba tayo kakampanteng matitibay at matatatag ang mga gusali? Sumusunod nga ba ang mga contractors sa mga building standards? Wala bang nagpapabayâ sa kanilang tungkuling tiyaking walang mga gusaling iligal na ipinatatayo? Nababantayan ba ng kinauukulan ang lahat ng mga istrukturang itinatayo, lalo na rito sa mga lungsod kung saan napakaraming tao? Huwag naman sanang isang malakas na lindol pa ang maging paraan upang malaman natin ang sagot sa mga tanong na ito. 

Ipinakikita sa atin ng mga trahedyang katulad ng nangyari sa Turkiye at Syria kung gaano kalaki ang responsabilidad ng pamahalaan sa pagtiyak na ligtas ang mga mamamayan mula sa mga panganib katulad ng lindol. Ito kasi ang nagpapatupad ng mga batas at nagtitiyak na nasusunod ang mga tamang pamantayang may kinalaman sa ating kaligtasan. Kung ligtas ang mga tao, napangangalagaan ang kanilang dignidad. Ang dignidad ng tao, saad nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, ang dapat na pangunahing tuon ng mga ginagawa ng mga nasa gobyerno. Kung bigo silang ipatupad ang mga batas na magtitiyak ng kaligtasan natin sa mga panganib—at mas matindi pa kung may katiwaliang sangkot dito—hindi nila maitataguyod ang dignidad ng tao. 

Mga Kapanalig, hindi sapat ang mga earthquake drills at maya’t mayang paalala upang maging handa sa lindol. Kailangan ng isang gobyernong sineseryoso ang pagpapatupad ng mga patakaran kung saan buhay ng tao ang nakataya. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,488 total reads

 15,488 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,321 total reads

 74,321 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,688 total reads

 159,688 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,424 total reads

 206,424 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,295 total reads

 254,295 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,626 total reads

 354,626 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,323 total reads

 74,323 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,690 total reads

 159,690 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,426 total reads

 206,426 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,297 total reads

 254,297 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top