Laban sa pagpapahalaga ng buhay, paiigtingin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,488 total reads

Mariing nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life laban sa anumang uri ng pananamantala sa buhay at dignidad ng tao.

Patuloy kikilos ang simbahan tungo sa pagpapahalaga ng buhay at tutulan ang mga programang makalalabag sa dignidad gayundin sa karapatan ng tao.

Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, Chairperson ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity dapat magkaisa ang mananampalataya sa paninindigan at pagtatanggol sa buhay.

“Life is sacred and we fight and opposed all forms that undermine the dignity of human life, we defend the culture of life against the culture of death,” ayon kay Bishop Macaraeg.

Ito ang paninindigan ng simbahan sa matagumpay na Walk for Life 2023 na may temang ‘SANAOL (synodality, accompaniment and nearness) among the advocates of life’ na isinagawa mula Welcome Rotonda hanggang University of Sto.Tomas sa Espana, Manila.

Iginiit ni SLP President Raymond Daniel Cruz, Jr. na ang walk for life ay paalala sa bawat isa na ang Diyos ay nakikiisa at nakikilakbay sa buhay.

“Let us believe that God is near, and the beginning of our preaching and the beginning of our advocacy is to live lives that show that God is near, that we have encountered the Lord first, and by encountering him near in our hearts, we move into a mission, we advocate life, and we advocate the love of God,” saad ni Cruz.

Hamon ni Cruz sa mamamayang ipagpatuloy ang paninindigan at pagtatanggol sa buhay ng tao sa pamamagitan ng pagtutol sa iba’t ibang programang isinusulong na makasisira sa kaloob na buhay.

Kabilang sa tinututulan ng simbahan ang death penalty, aborsyon, same-sex union, at euthanasia na itinuring na DEATH Bills na isinusulong ng pamahalaan gayundin ang war on drugs na kumikitil sa buhay maging ng mga inosenteng indibidwal.

Pinasalamatan ng S-L-P ang mga dumalo at nakiisa sa Walk for Life 2023 na naipagpaliban ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 74,310 total reads

 74,310 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 106,194 total reads

 106,194 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 208,020 total reads

 208,020 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 248,579 total reads

 248,579 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 266,017 total reads

 266,017 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top