Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga balimbing na pulitiko, alisin sa puwesto

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Hindi tuluyang maipatutupad ang planong pagbabago sa pamamahala sa bansa kung mananatili sa posisyon ang mga dati ng tiwaling opisyal ng bayan.

Ito ang inihayag na pangamba ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, partikular na sa kasalukuyang paglipat ng ilang mga pulitiko sa partido ng PDP-Laban bago ang opisyal na pag-upo sa katungkulan ng bagong Administrasyon.

Giit ng Obispo, hindi magiging ganap ang pagbabagong hinahangad sa pamamahala kung mananatiling ang mga dating pulitikong wala namang tunay na naging ambag sa paglago ng lipunan.

“Sa bagong Presidente, maging maingat siya sa mga balimbing ang dami ngayong pulitiko na pumapanig sa kanya kaya yung kanyang programa ng pagbabago ay hindi mangyayari kung kukunin niya rin yung mga dating pulitiko, yung mga balimbing na ngayon na siya ang nauuna sila naman ay pupunta naman sa kanya, dito makikita natin ang pagkatrapo sa mga pulitiko…” pahayag ni Bishop Pabillo, sa Radio Veritas

Sa resulta ng SWS survey noong nakalipas na taon, lumabas na 56-na-porsyento ng mga Business Executives sa bansa ang nagsasabing talamak na ang kurapsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, sa pangunguna ng Bureau of Customs, Senado at mababang kapulungan ng Kongreso.

Batay nga sa isinagawang pag-aaral ng IBON Foundation, umaabot sa 2-trilyong piso sa loob ng tatlong taon ang nasasayang na buwis ng mga mamamayan dahil sa katiwalian sa pamahalaan.

Una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga politiko na wakasan ang kahirapan na nakaugat sa yamang dapat tinatamasa ng bawat isa sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 12,947 total views

 12,947 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 24,430 total views

 24,430 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 40,119 total views

 40,119 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 40,832 total views

 40,832 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 50,193 total views

 50,193 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 7,282 total views

 7,282 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top