23,771 total views
Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa nakatakdang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS sa susunod na buwan ng Hunyo.
Nakatakda ang pang-arkidiyosesanong pagtitipon sa ika-7 ng Hunyo, 2025 araw ng Sabado sa Sta. Clara de Montefalco Parish sa Pasay City mula alas-syete hanggang alas-unse ng umaga.
Sa sirkular ng Arsobispo ay inihayag ng Cardinal ang paglalaan ng ikatlong yugto ng MAGPAS ngayong buwan ng Hunyo para sa pagbabahagi ng katesismo sa pagsusulong ng patuloy na pagbabago sa lipunan at patuloy na pagninilay sa Final Synod Document.
Ayon kay Cardinal Advincula, layunin ng MAGPAS na maibahagi ang diwa ng synodality sa lahat ng antas ng lipunan kaya’t mahalaga ang pakikiisa ng mamamayan lalo’t higit ang mga kabataan sa sama-samang pagninilay at talakayan.
“Continuing our reflection on the Final Synod Document, the thirds MAGPAS of 2025 will focus on Part III: “Cast the Net” – The Conversion of Processes, I am pleased to invited you and your community, especially the involvement of your lay leaders, particularly the youth.” Ayon kay Cardinal Advincula.
Layunin ng MAGPAS na tipunin ang nasasakupang mananampalataya ng arkidiyosesis para sa makabuluhang pastoral formation lalo ngayong isinusulong nito ang Traslacion Roadmap o ang path of spiritual renewal and structural reforms’ ng RCAM.
Magsisimula ang registration ng MAGPAS ganap na alas siyete ng umaga na susundan ng banal na misa ganap na alas-otso ng umaga na susundan ng paglalagom para sa MAGPAS noong Abril.
Magsisimula ganap na alas-nuebe kinse ng umaga ang talakayan sa Part III of the Final Document of the Synod on Synodality na inaasahang pangungunahan ni Rev. Fr. Jason Laguerta, habang susundan naman ito ng Conversastions in the Spirit ganap na alas-dyes ng umaga na magtatapos sa pamamagitan ng isang paglalagom at pagbabasbas ganap na alas-unse ng umaga.
Sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang MAGPAS sa ika-7 ng Hunyo, 2025 ay maaaring magparehistro online sa Jubilee Website na jubilee.rcam.org o makipag-ugnayan sa Office for the Promotion of the New Evangelization sa [email protected] o sa telepono bilang 02 8405-0093 at cellphone numero bilang 0962-448-1859.
Ang MAGPAS ay pagtitipon ng mga layko, pari, madre, kabataan at ministry leaders ng Arkidiyosesis ng Maynila upang hubugin at hikayatin ang bawat mananampalataya sa pagpapanibago tungo sa nagkakaisang komunidad habang tinatalakay ang napapanahong usapin na nakasentro sa Panginoon.