Mabuting pagninilay ng mamamayan, ipinagdarasal ng Arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,362 total views

Umaasa si Cebu Archbishop Jose Palma na matutuhan ng mamamayan ang mabuting pagninilay sa bawat napapanuod at nababasa lalo na sa online world.

Sa ginanap na Cebu Archdiocesan Media & Social Communications Fair inihayag ng arsobispo ang pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan kung saan marami ang nabibiktima ng fake news, misinformation at disinformation dahil sa kawalang panahon ng pag-unawa at pagninilay.

Binigyang diin ni Archbishop Palma ang kahalagahan ng pagninilay upang maibahagi ang mga impormasyong makabubuti sa lipunan at tuluyang mawakasan ang paglaganap ng mga maling impormasyon.

“Sometimes, people think that what they read or listen to is the truth in the world, which is not. May we be able to digest and discern everything that we read and see in the context of prayer and how or what it brings to the good of the world,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Aniya bagamat ito ay ibinahagi ng mga kilalang personalidad mahalagang unawain at magsaliksik sa mga katotohanang kaakibat ng mga ibinahaging impormasyon upang matuklasan ang tunay at wastong detalye.

Tinuran din ng arsobispo ang impluwensya ng Artificial Intelligence na kadalasang ginagamit ng mga mapanamantalang indibidwal upang linlangin at lituhin ang tao sa katotohanan.

“More so now with Artificial Intelligence, some almost swallow, hook, line and sinker. But again, Pope Leo says, this is the time for us to be able to discern and in that spirit of discernment, it would help us proclaim the message that brings hope and joy to the community,” dagdag ng arsobispo.

Ang pagtitipon ay pagdiriwang ng Archdiocesan Jubilee for Media and Social Communications kung saan nagtipon ang daan-daang volunteers’ ng social communications ministry ng mga parokya.

Kabilang sa nagbigay ng panayam sa nasabing pagtitipon sina award-winning commercial live broadcast director and country ambassador for Sony Alpha Cameras, Hollyland Wireless Technology, and Nanlite Lighting Nigel Ian Laxamana at Archdiocese Media Liaison Msgr. Joseph Tan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,675 total views

 48,675 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,544 total views

 44,544 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,746 total views

 80,746 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,433 total views

 89,433 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,626 total views

 114,626 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top