Archdiocese of Nueva Segovia, hinimok ng Cardinal na paigtingin ang synodal renewal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,969 total views

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang Archdiocese of Nueva Segovia na ipagpatuloy at paitingin ang synodal renewal at pagbubuo ng mga pamayanang nagsasama-sama sa pakikinig, pakikilahok, at misyon.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo nito bilang arkidiyosesis sa banal na misang pinangunahan ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio sa Metropolitan Cathedral of the Conversion of St. Paul sa Vigan City noong July 22.

Sinariwa ni Cardinal Quevedo ang makasaysayang Nueva Segovia Pastoral Assembly (NSPA) noong 1992, na kanyang inilarawan bilang simula ng panibagong yugto ng buhay ng lokal na Simbahan dahil sa pagtataguyod nito ng synodal na paraan ng pamumuhay at paglilingkod.

“A new period began in the history of Nueva Segovia in 1992, when the landmark Nueva Segovia Pastoral Assembly, or NSPA, took place. It was synodal in nature, and the clergy truly listened,” ayon kay Cardinal Quevedo.

Aniya, naging bukas noon ang mga pari sa pakikinig, maging sa mga puna at mungkahi ng mga layko hinggil sa kanilang pamumuhay at ministeryo, na nagbigay-daan sa mas malalim na pagbabago sa pastoral na direksyon ng arkidiyosesis.

Itinampok ni Cardinal Quevedo ang pagtatatag ng Basic Ecclesial Communities (BECs) na naging pundasyon ng pamayanang synodal sa Nueva Segovia.

“The BECs of Nueva Segovia were the first-ever synodal communities in the whole of Luzon and the Visayas,” pahayag ng kardinal.

Paliwanag ng kardinal na sa pamamagitan ng maliliit na pamayanan ay naging sentro ang Salita ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya, na nagbunga ng masiglang pakikilahok ng mga layko sa misyon ng Simbahan at sa paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din ng dating arsobispo ng Nueva Segovia na bahagi ng pastoral na pagbabago ang pagbuwag sa kultura ng clericalism sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas malaking papel sa mga layko sa pamamahala ng mga parokya.

“Terms of office for parish ministries were established. Parish councils and parish finance councils were empowered to end clericalism, in which all power resides in bishops and priests. It was also a way of bringing forth servant leadership,” ayon pa ni Cardinal Quevedo.

Kasabay nito ay inilarawan niya ang dalawang mahalagang haligi ng synodality na dapat manatiling gabay ng Simbahan.

“From the side of bishops, priests, and religious, the key to synodality is servant leadership. From the side of the lay faithful, the key to synodality is empowerment,” dagdag pang kardinal.

Ayon kay Cardinal Quevedo, ang pagbubuo ng Basic Ecclesial Communities ay kaakibat ng hangaring maging isang “Church of the Poor,” kung saan inuuna ang paglilingkod sa mahihirap at kinikilala ang ambag ng bawat isa sa buhay ng Simbahan.
Apela ni Cardinal Quevedo sa mga mananampalataya na huwag lamang gunitain ang kasaysayan ng arkidiyosesis kundi ipagpatuloy ang diwa ng pastoral renewal na nagsimula noong dekada 1990.

“May our Diamond Jubilee revive the memories of the transformative years from 1992 to 1998 and renew our desire for perhaps new forms of synodal communities in view of changing pastoral contexts and challenges,” ani ng kardinal.

Samantala, sa mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, binigyang-diin nito na hindi lamang ito paggunita sa pagkatatag ng arkidiyosesis kundi pagkilala sa mahigit apat na siglong paglaganap ng pananampalataya partikular sa Northern Luzon.

“What we’re really celebrating is the amazing fruitfulness of evangelization here in Northern Luzon… That’s what we’re saying, thank you to God for today—evangelization, expansion, missionary spirit. We can say the synodal spirit of the Church, which continues in our own time,” ayon kay Archbishop Brown.

Binigyang-diin ng nuncio na habang patuloy na isinusulong ng Simbahan ang “preferential option for the poor,” mahalaga ring bigyang-pansin ang kabataan bilang pangunahing prayoridad ng misyon sa kasalukuyan at sa kinabukasan ng Simbahan.

Hamon ni Archbishop Brown na maging malikhain sa pag-abot sa mga kabataan upang matiyak na maipagpatuloy ang paglago ng Kristiyanong pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.
“Another preferential option… very central to the mission of the Church… is what I would call the preferential option for the young. We need to evangelize the young. We have to think creatively. We have to think in new ways about how to bring the light of the Gospel to young people in today’s world,” ayon pa sa nuncio.

Naitatag ang arkidiyosesis sa pamamagitan ng Papal Bull ni Pope Pius XII na ‘Quo in Philippina Republica’ noong June 29, 1951 at ganap na naipatupad noong July 22, 1951 kung saan naging unang arsobispo sa lugar si Archbishop Santiago Sancho.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 13,880 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 14,844 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 32,177 total views

 32,177 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 105,671 total views

 105,671 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 136,953 total views

 136,953 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 168,969 total views

 168,969 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 319,806 total views

 319,806 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top