2 dating opisyal ng L-B-P, haharap na testigo sa impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 129 total views

Iniutos ng Senate Impeachment Court ang pagpapalabas ng subpoena para sa dalawang dating opisyal ng Land Bank of the Philippines na haharap bilang mga testigo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa July 29.
Kabilang sa ipapatawag sina Violeta Constantino, dating branch manager ng Landbank-Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, at Nenita Camposano, dating manager ng Landbank Department of Education branch.

Ihahain ng House prosecution panel ang kanilang testimonya kaugnay ng Article 1 ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa sinasabing maling paggamit ng kabuuang P612.5 milyong confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education noong panahon na pinamunuan ni Duterte ang dalawang tanggapan.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Geville Luistro, unang haharap si Constantino bago si Camposano sa pagdinig sa susunod na linggo.

Ang nasabing pondo ay binubuo ng P500 milyon para sa Office of the Vice President at P112.5 milyon para sa Department of Education.

Sa mga pondong ito, sinabi ng prosekusyon na malaking bahagi ang kinuwestiyon ng Commission on Audit. Kabilang dito ang P448 milyon na hindi pinayagan ng COA, habang may P73 milyon na idineklarang final at kailangang maibalik sa pamahalaan ng mga itinuturing na responsable.

Iniulat din ng COA na naubos ang kabuuang P112.5 milyong confidential funds ng DepEd sa loob lamang ng 11 araw.

Ipinakita rin ng prosecution ang mga resulta ng pagsusuri mula sa Philippine Statistics Authority na nagsasabing ilan sa mga nakalistang benepisyaryo ng pondo ay walang rekord sa kanilang database.

Samantala, iniulat naman ng National Bureau of Investigation na may mga pagkakatulad sa mga lagda sa mga acknowledgement receipt ng sinasabing mga tumanggap ng pondo, na maaaring indikasyon na iisang tao lamang ang gumawa ng ilang pirma.

Inaasahang magiging bahagi ng testimonya nina Constantino at Camposano ang paglilinaw sa proseso ng pagpapalabas at pagproseso ng mga pondong ginagamit bilang batayan ng unang artikulo ng impeachment laban kay Vice President Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 49,261 total views

 49,261 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 82,343 total views

 82,343 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 110,694 total views

 110,694 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 178,426 total views

 178,426 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 198,135 total views

 198,135 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top