Tiwala ng mga Pilipino sa China, lalong bumaba

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 134 total views

Patuloy na bumababa ang tiwala ng mga Pilipino sa China habang tumataas naman ang antas ng pagdududa sa pamahalaan nito.

Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research nationwide survey nitong Hulyo 2026, nasa 14 porsiyento na lamang ang nagsabing nagtitiwala sila sa China, habang umabot naman sa 64 porsiyento ang mga Pilipinong nagpahayag ng kawalan ng tiwala.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay OCTA Research fellow Professor Guido David, ang mababang trust rating ay hindi nakatuon sa mga mamamayang Chinese kundi sa pamahalaan ng China, lalo na kaugnay ng mga insidente sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga binanggit na dahilan ang sinasabing pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda, pakikialam sa operasyon ng Philippine Coast Guard, at iba pang tensyon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

“Actually, yung tiwala ayon sa survey ay nasa 14% na lang, 14%. Tapos yung distrust ay nasa 64%. Tumaas yung distrust at bumaba yung trust. Pero i-clarify ko lang of course na at least ano namin, appreciation natin dito sa survey which was conducted July 2026 and it’s a nationwide survey. Na-generally tinutukoy naman nila dito, hindi naman yung kalahatang Chinese. Alam naman natin diba number one trading partner natin yung China. Yung economy nila ay importanteng ally sa ating business,” ayon David.

Nilinaw naman ni David na nananatiling mahalagang trading partner ng Pilipinas ang China at walang indikasyon ng poot o galit laban sa mga Chinese nationals na nasa bansa.

“Pero yung distrust, in general, yung appreciation natin towards the government dahil nga, yun nga, may mga ginagawang mga ano sa atin. Hindi kanais-nais na ginagawa nila sa ating territory sa West Philippine Sea. Sabi nyo nga yung parang panghaharas sa ating mga fishermen, kasama na doon pati yung sa ating Philippine Coast Guard na nasa, na-declare naman na ating territorial waters,” ayon kay David.

Ayon pa sa eksperto, isa rin sa posibleng nakaapekto sa pananaw ng publiko ang patuloy na pagpapalaganap ng propaganda online na nagmumula mismo sa pamahalaan ng China.

Samantala, pinakamataas ang naitalang distrust rating sa Mimaropa na umabot sa 94 porsiyento.

Ipinaliwanag ni David na maaaring may kaugnayan ito sa pagkakaiba-iba ng impormasyon at balitang natatanggap ng mga rehiyon, kabilang ang mga ulat at kaganapan kaugnay ng West Philippine Sea.
Dagdag pa niya, bagama’t may ilan pa ring Pilipino ang nagtitiwala sa China, nananatiling malaki ang epekto ng mga usapin sa seguridad at soberanya ng bansa sa pananaw ng publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 49,246 total views

 49,246 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 82,328 total views

 82,328 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 110,679 total views

 110,679 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 178,411 total views

 178,411 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 198,120 total views

 198,120 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top