Isabuhay ang kultura ng pagkakaibigan, paanyaya ni Cardinal Advincula sa PCNE 2026 participants

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,301 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Katoliko na isabuhay ang tunay na Kristiyanong pagkakaibigan sa pamamagitan ng mahinahong pag-akay sa kapwa sa halip na pilitin ang kanilang pagbabago.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa pagbubukas ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Sa kanyang homiliya, sinabi ng kardinal na ang ebanghelisasyon ay dapat isabuhay sa diwa ng pagtitiis, pagtitiwala sa Diyos at pagtutulungan, na inilarawan niya sa tatlong Marian virtues na hinay-hinay, kanunay, at buligay, na siya ring tema ng PCNE XII na “Sangkay” o pagkakaibigan.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang tunay na pagmamahal ay hindi namimilit kundi nag-aakay.

“But Mary reminds us that, in true friendship, love never forces; but simply accompanies. Ang totoong kaibigan ay marunong maghintay, dahil ang paghihintay ay pagmamahal din. Gradualness is a language of love. Sa pagmamahal, hindi minamadali o pinipilit ang tao,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, mahalagang matutuhan ng Simbahan ang pamamaraan ni Maria sa pag-akay sa kapwa, lalo na sa mga nahihirapang lumago sa pananampalataya.

“Like Mary, may we learn to accompany our friends rather than control them, to encourage them rather than pressure them, and to trust that God will complete the work he has begun in every heart,” dagdag pa ng arsobispo.

Tinukoy din ni Cardinal Advincula na dumarating sa bawat tao ang yugto ng panghihina sa pananampalataya, bokasyon at mga ugnayan, subalit iginiit na hindi ito dapat maging dahilan upang talikuran ang Diyos.

“When the joy diminishes, or the enthusiasm fades, our first response should not be to give up or walk away, but to turn to Jesus,” aniya.

Ayon pa sa arsobispo, isa sa mga hamon ng kasalukuyang panahon ay ang paghahanap ng panibagong karanasan sa halip na manatiling tapat sa mga pangakong ginawa.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula na ang matatag na pananampalataya ay nasusukat sa patuloy na pananalangin, paglilingkod at pagmamahal kahit sa gitna ng karaniwang takbo ng buhay.

Hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na isabuhay ang kultura ng pagtutulungan sa loob ng Simbahan, sa halip na umasa lamang sa iilang tao sa gawaing misyonero.
“Christian friendship is never a one-way relationship but a shared journey in which we become instruments of God’s grace for one another,” giit ni Cardinal Advincula.

Iginiit din ng arsobispo na ang pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ay bunga ng pakikipagkaibigan kay Kristo at hindi lamang pagtupad sa isang tungkulin.

“Indeed, Jesus has called us to be his friends, not his slaves. We are friends who share in the mission of Jesus, not slaves or employees who labor to impress or please a boss,” ayon pa sa kardinal.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang Simbahang nakaugat sa tunay na pagkakaibigan ay isang pamayanang walang iniiwan at sama-samang nagdadala ng pasanin ng bawat isa.
“In a Church that is built on the mutuality of friendship, no one walks alone. We pray for one another, encourage one another, forgive one another, and strengthen one another,” giit ng kardinal.

Ang PCNE XII, na may temang “Sangkay,” ay naglalayong palalimin ang diwa ng Kristiyanong pagkakaibigan bilang landas ng bagong ebanghelisasyon at misyon ng Simbahan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga tampok sa unang araw ng pagtitipon ang keynote address ni Naval Bishop Rex Ramirez at ang Heart to Heart talk kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 24,847 total reads

 24,847 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,764 total reads

 47,764 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,264 total reads

 84,264 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,889 total reads

 304,889 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,097 total reads

 338,097 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top