Adamson University, kaisa sa panawagan ng justice for Marihangin 10

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,977 total reads

Nakikiisa ang Adamson University sa panawagan ng katarungan para sa tinaguriang Marihangin 10–ang sampung kasapi ng katutubong Molbog sa Sitio Mariahangin, Bugsuk Island, Balabac, Palawan, na inaresto noong ika-15 ng Mayo.

Bilang isang Vincentian institution, mariing kinondena ng pamantasan ang kasong grave coercion na isinampa laban sa mga katutubo.

Giit ng Adamson University, ang pagtatanggol sa lupaing ninuno ay hindi krimen kundi karapatang itinataguyod sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

Hinimok ng pamantasan ang agarang pagsasantabi sa mga kasong walang batayan at ang pagtitiyak sa kaligtasan ng pamayanan.

Kaisa ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at iba pang faith-based institutions, nananawagan ang Adamson University na tumugon sa panawagan ng katarungan sa pamamagitan ng edukasyon, panalangin, adbokasiya, at konkretong pagkilos.

“To be Vincentian is to walk with the oppressed. To be Christian is to stand where Christ stood–in the margins, with the persecuted. We stand with the Marihangin 10,” giit ng Adamson University.

Una nang iginiit ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa pamahalaan at mamamayan na kilalanin at igalang ang karapatan ng mga katutubo, na ipinagtatanggol ang kanilang tahanan, kabuhayan, at kultura.

Matagal nang kinikilala ang Mariahangin bilang lupaing ninuno ng mga katutubong grupo, tulad ng Molbog at Cagayanen, ngunit sa mga nagdaang taon ay nagkaroon ng mga alitan kaugnay ng pang-aagaw ng lupa at mga usaping legal sa paninirahan ng mga katutubo sa kanilang lupain.

Tinatayang nasa 96 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Mariahangin, kung saan 12 pamilya rito ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 8,227 total reads

 8,227 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 58,391 total reads

 58,391 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 80,481 total reads

 80,481 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 180,301 total reads

 180,301 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 213,210 total reads

 213,210 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 125,368 total reads

 125,368 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top