69,232 total views
Kapanalig, ang tinatamasa nating kalayaan at kasarinlan ay biyaya ng dalisay at matiyagang pagpupunyagi ng mga bayaning Filipino upang makaalis sa tanikala,pang-aapi at pananakop ng mga dayuhang Espanyol, Amerikano at Hapon.
Dahil sa kanilang kabayanihan, taos-noo nating ipinagmamalaki sa alinmang panig ng mundo na tayo ay mga Filipino.
Bilang pagpupugay ,pagkilala sa sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng mga bayaning Filipino…na ating national pride ay itinampok sila sa bank notes at coins ng Pilipinas ilang dekada na ang nakaraan upang ipagbunyi ang identity nating mga Filipino…Layon nito na ituro ang history (kasaysayan) ng Pilipinas at magkaroon ng interes ang mga batang henerasyon.
Pero sa pinakabagong banknotes na nagsimula ng circulation noong April 2022, inalis sa design ang mga bayani… binigyang halaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga endangered species sa bansa. Sa P1,000: tampok ang Philippine Eagle at Sampaguita flower… P500: Visayan Spotted Deer at Acanthephippium mantinianum ang naka-design: Sa P100: ay Palawan Peacock-Pheasant at Ceratocentron fesselii habang sa P50: ay Visayan Leopard Cat and Vidal’s lanutan. Ang pinaka-bagong banknotes ay lumikha ng kontrobersiya kung saan inaakusahan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pagbabastos at paglapastangan sa mga bayaning Filipino.
Sa harap ng mga batikos, nanindigan ang B-S-P na parehong importante sa kultura at kasaysayan ng bansa ang circulation ng bagong polymer banknotes. Para sa BSP ang bagong bank notes sa mga endangered species ay simbolo ng “national pride” at Filipino identity”.
Nilinaw ng BSP na magpapatuloy naman ang circulation ng banknotes na tampok ang mga bayani gayundin ang banknotes na tampok naman ang mga endangered species sa Pilipinas.
Kapanalig, saan ang mas matimbang para sa sayo., ang banknotes na itinatampok ang mga bayaning Filipino, o ang polymer banknotes na nagpapahalaga sa mga endangered species ng bansa?
Ang usapin sa banknotes ay napuna din ng Senado, magsasagawa si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ng inquiry para alamin ang dahilan kung inalis ng BSP sa bagong banknotes ang mga bayani ng Pilipinas.
Sinabi ni Pimentel na sa bagong design ay nagbago ang polisiya na gagamitin ang bank notes para i-highlight ang mga endangered species na isang malinaw na shift sa bagong polisiya.
Sa 1993 pastoral letter na inilabas ng National Conference of the Catholic Bishops na may titulong “A Disciple’s Response: We are called to: Receive God’s gifts gratefully; Cultivate them responsibly; Share them lovingly with others, and Return them with increase to God.
Kapanalig, ang panawagan ng simbahang katolika sa mga policy makers na laging isa-alang-alang ang kabutihan ng nakakarami sa gagawin at ipapatupad na polisiya.
Sumainyo ang Katotohanan.