12,113 total views
Nagpapasalamat ang social, advocacy, at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga naging bahagi sa misyon ng pagtulong sa kapwa ngayong taon.
Sa Christmas message ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, binigyang-diin nitong ang Pasko ng Pagsilang ng Panginoon ay
nagpapaalala sa bawat isa ng walang hanggang pag-ibig at awa ng Diyos sa sangkatauhan.
Ipinagpapasalamat ni Bishop Bagaforo ang patuloy na tagumpay na nakakamit ng flagship program na Alay Kapwa upang matulungan ang mga mahihirap at malalayong pamayanan.
“Through your unwavering support and generosity, we continue to implement our legacy programs: Alay Kapwa para sa Karunungan (Educational Assistance Program & Community Schooling), Kalusugan (Health and Nutrition), Kabuhayan (Livelihoods and Food Security), Kalikasan (Ecological Advocacies), Katugunan sa Kalamidad (Humanitarian and Disaster Risk Reduction Program), Katarungan at Kapayapaan at Mabuting Pamamahala (Justice and Peace and Good Governance), and Kasanayan (Institutional Development and Capacity Strengthening),” ayon kay Bishop Bagaforo.
Ibinahagi ng obispo na ngayong taon ay sinikap na maabot ng Caritas Philippines ang mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang sakuna at kalamidad,
climate change, at mga pang-aabuso.
Pinuri din ni Bishop Bagaforo ang mga social action center ng bawat diyosesis sa pagkakaroon ng habag at pagsisikap na gampanan ang misyong pagsilbihan ang mga higit na nangangailangan.
Hiling ni Bishop Bagaforo na ang bawat isa nawa’y yakapin ang liwanag ni Kristo at patuloy na ibahagi ang pag-asa at kagalakan sa kapwa.
“Let us work together to build a world where no one is left behind—a world of peace, justice, and love,” pagbati ni Bishop Bagaforo.