11,449 total views
Muling tiniyak ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang patuloy na pakikiisa sa mga manggagawang Pilipino.
Tiniyak ni AMLC Minister Father Erik Adoviso ang patuloy na pagpapalakas sa boses ng mga manggagawa at mapaigting ang pagsusulong ng katarungang panlipunan.
Tinukoy ni Fr.Adoviso ang kampanya upang mabuwag ng tuluyan ang “Provincial rate” at maipatupad ang national minimum wage sa bansa.
Sinabi ng Pari na dahil sa epekto ng inflation rate ay madalas mas mahal pa ang mga bilihin at serbisyo sa mga lalawigan kumpara sa N-C-R.
“Bilang kasama niyo po ang mga kilusang paggawa at ang mga ordinaryong Manggagawa, andito po ang Archdiocesan Ministry for Labor Concern na patuloy na tumutulong, nakikiisa sa mga manggawa, bagamat hindi alam nglahat ng mga tao dito sa Maynila or sa buong Pilipinas na mayroon palang ministry para sa Labor,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Adoviso.
Iginiit din ni Fr.Adoviso ang kahalagahan na mahinto na ang contractualization sa Pilipinas upang magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa sa trabaho.
“At yung mga nasa agency naman off course inaalala natin sila, pero sana isang araw ay magkaroon sila ng regular jobs at siempre matapos narin sana yung ating mga adbokasiya, isa sa mga adbokasiya natin ay matapos na yung sahod sa probinsya at saka sahod dito sa Maynila at magkaiba, buwagin po natin yung provincial rate at sana pare-pareho na po yung sahod,” ayon sa panayam ng Radio Veritas
Pinapalawak din ng AMLC ang programa upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga manggagawa sa kanilang labor rights.
Ibinahagi ng Pari ang Paralegal ng Simbahan o PASIMBA na nagbibigay kaalaman sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas.