Mga guro, kabalikat sa pagbabago

SHARE THE TRUTH

 175 total views

Mga Kapanalig, alam niyo bang ngayon ay ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro o World Teachers’ Day? Idineklara ito noong 1994 ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO. Ngayong taon, ang pagdiriwang nito dito sa Pilipinas ay may temang “Guro, Kabalikat sa Pagbabago.” Tunay ngang kabalikat natin sila sa pagbabago, lalo na ngayong ipinatutupad natin ang pinakamalaking pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas: ang K to 12 Program. (Muli, ang programang ito ay nagdagdag ng dalawang taon sa dating sampung taóng basic education.)

Sa gitna ng budget deliberation kamakailan sa Kongreso, inamin ng Department of Education o DepEd na malaki pa rin ang kakulangan sa bilang ng mga guro. Ito ang pangunahing dahilang sinabi ng DepEd sa likod ng halos 600 bilyon pisong budget na hiniling sa Kongreso ng kagawaran para sa 2017. Mas mataas ito ng 31 porsyento kumpara sa budget na ginugugol sa kasalukuyang taon. Target ng DepEd na punan ang pangangailangan para sa mga guro ng Science, Math, at English. Tinatayang 15,000 guro ang kailangan.

Upang makahikayat ng mga bagong guro, planong itaas kaysa sa kasalukuyang entry-level ang sahod na ibibigay sa mga magtuturong scholars ng Department of Science and Technology o DOST. Sinasabi kasing mababa ang pasahod sa ating mga guro, bagay na nangyayari rin sa ibang bansa at minsan nang pinuna ni Pope Francis. Bagamat hindi pa ganoon kalaganap ang paggamit ng teknolhiya lalo na sa ating mga pampublikong paaralan, sinabi ng ating Santo Papa na walang makapapantay sa isang mahusay guro. Totoong maraming nalalaman ang mga kabataan sa computer at Internet, ngunit nangangailangan ng isang mabuting guro upang turuan sila ng values, wastong pag-uugali, at pagpapakatao. Ang mga guro rin ang humuhubog ng pag-asa sa mga kabataan upang magpursiging bumuo ng isang matiwasay na lipunan, dagdag pa ni Pope Francis.

Hinihikayat din ng DepEd ang mga nagtapos ng mga kursong may kinalaman sa science, math, at engineering na magturo kahit wala pang lisensya. Ngunit ang hakbang na ito ay ikinabahala ng CEAP o ang Catholic Education Association of the Philippines. Ayon sa CEAP, napakalaki ng responsibilidad ng mga guro kaya’t dapat na panatilihing mataas ang pamantayan sa pagpili ng mga guro. Nararapat naman talagang mapunuan ang kakulangan ng mga guro, ngunit hindi natin dapat ikompromiso ang kalidad ng edukasyon, lalung-lalo na sa mga pampublikong paaralan kung saan pumapasok ang mas maraming mga kabataang Pilipino. Kailangan din umanong tiyakin na ang kaalaman at kasanayan ng mga kukuning guro ng DepEd ay sapat at akma sa subject na kanilang ituturo.

Bagamat sinasabi sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan, gaya sa Amoris Laetitia ni Pope Francis, na ang pagtuturo sa mga kabataan ay pangunahing tungkulin ng mga magulang, kinikilala natin ang kahalagahan ng mga guro bilang mga katuwang sa paghubog ng kaisipan ng ating mga anak. Tinatawag nga natin silang mga “pangalawang magulang”, hindi po ba? Kaya’t mahalagang may pakialam tayo sa kalidad ng edukasyon sa ating bansa, at kaakibat nito ang pagtiyak na mayroon tayong sapat at marurunong na mga guro sa ating mga paaralan, at sila ay napapasahod nang tama at nakatatanggap ng nararapat na mga benepisyo.

Mga Kapanalig, matagal nang problema ang kakulangan ng bilang ng mga guro sa ating mga paaralan, ngunit mas lumaki pa ang pangangailangan dahil nga sa K to 12. Kung itinuturing nga nating tunay na kabalikat ang mga guro sa pagbabago, nararapat lamang na bigyan sila ng sahod na sapat at makapagbibigay sa kanilang ng disenteng pamumuhay. Hindi lamang trabaho ang pagiging guro. Isa itong bokasyon, isang pagtataya upang hubugin ang kinabukasan ng bayan.

Sa atin pong mga masisipag na guro, Happy World Teachers’ Day po sa inyo!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,063 total views

 21,063 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 26,481 total views

 26,481 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 33,188 total views

 33,188 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 47,985 total views

 47,985 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 54,141 total views

 54,141 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,064 total views

 21,064 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 26,482 total views

 26,482 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 33,189 total views

 33,189 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 47,986 total views

 47,986 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 54,142 total views

 54,142 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,320 total views

 39,320 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 49,904 total views

 49,904 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,121 total views

 58,121 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,354 total views

 42,354 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,330 total views

 48,330 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,423 total views

 51,423 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,128 total views

 41,128 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,016 total views

 42,016 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,319 total views

 57,319 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 69,728 total views

 69,728 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top