Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga guro, pinasalamatan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 386 total views

Pinasasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan.

Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.

“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” pahayag ni Archbishop Vallles sa Radio Veritas.

Bilang pakikiisa sa mga guro,nag-alay ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan noong October 3 para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa lipunan.

Nagbigay pugay din ang arsobispo sa determinasyon ng mga guro sa panahon ng pandemya na gumagawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan gamit ang online at blended learning na malaking hamon sa bawat isa.

Dahil dito, iginiit ni Archbishop Valles ang kahalagahan ng panalangin para sa katatagan ng bawat guro lalo’t kabilang ang kanilang sektor sa mga service frontliners na nahaharap sa iba’t ibang uri ng panganib bukod sa lumaganap na coronavirus.

“We know that these days, with the ongoing pandemic, our teachers are fulfilling their role in very difficult circumstances. We need to encourage our teachers. We pray to the Lord to give them strength, and to give them joy, the joy that comes from selfless serving and giving,” ani Archbishop Valles.

Sa tala ng Department of Education halos isang milyon ang mga kawani sa sektor ng edukasyon kung saan mahigit sa 800-libo rito ay pawang mga guro.

Patuloy din ang paghahanda ng Pilipinas sa inaasahang pilot testing ng limited face-to-face classes sa piling 120 paaralan sa bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Hinimok ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na idalangin sa Panginoon ang katatagan ng bawat guro na hindi lamang naglilinang para maging makabayan subalit higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos ng mga kabataan.

“We commend them to the Lord; that the Lord may continue to guide and strengthen them, to inspire them to be not only Maka- Tao at Maka-Bayan; not only to be Maka-Kalikasan in the manner they teach, but we pray too, that our teachers will always be Maka- Dios in the way they educate our young people,” giit ng arsobispo.

Tuwing ikalima ng Oktubre ginugunita ang World Teachers Day para parangalan ang bawat guro na katuwang ng mga magulang sa paghuhubog ng mga kabataan at maging kapakipakinabang na mamamayan sa mga susunod na henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 9,764 total views

 9,764 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 21,247 total views

 21,247 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 36,936 total views

 36,936 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 37,691 total views

 37,691 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 47,326 total views

 47,326 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 2,747 total views

 2,747 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top