Mga Hadlang sa Kaunlaran ng Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,625 total reads

Kapanalig, hindi maunawaan ng marami nating mamamayan na hindi pantay ang kalayaan ng mga babae at lalaki sa ating lipunan. Moderno na kasi ang panahon natin ngayon, at nakikita natin na tunay nga namang mas visible at mas may “say” ang mga babae sa ating bansa. Marami na tayong mga naging lider na babae. Marami na tayong  mga babae sa mga trabahong nakagisnan natin na pang-lalaki dati, gaya ng pagiging pulis at sundalo. Mas marami na rin ang kumikilala sa kakayahan at galing ng kababaihan sa ating bayan. Pero bago maabot ng mga Filipina ang estadong ito, napakalaking  mga balakid ang kanilang pinagdaanan at pagdadaanan pa. Hanggang ngayon, marami pa ring hadlang sa patuloy  na kaunlaran ng mga kababaihan. Ang mga hadlang na ito ay nagdudulot ng mababang labor participation rate ng mga kababaihan. Sa ating bansa, nasa 49% lamang ang labor participation rate ng babae, ayon sa isang pag-aaral ng World Bank.

Ano-ano nga ang mga hadlang na ito?

Isa sa mga pangunahing balakid sa kaunlaran ng mga kababaihan ay ang dami ng nakaatang na responsibilidad sa kanila sa bahay kumpara sa mga lalaki. Sa ating lipunan, mas marami kasi ang naniniwala na ang babae ang dapat primary caregiver sa tahanan. Mas marami rin ang naniniwala na mas mahalaga na gawin nila ang mga gawaing bahay kaysa magtrabaho sa labas. Halimbawa, ang paglalaba ng damit, ang pamamalantsa, ang paglilinis ng bahay, at ang pagluluto ay karaniwang nakikita natin bilang gawain lamang ng babae. Ang mga gawain na ito ay hindi natin nakikita bilang shared responsibilities ng babae at lalaki.

Dahil sa mga gawaing bahay na maari naman paghatian ng mga miyembro ng pamilya, lumiliit ang labor participation ng mga babae, na malaking kawalan sa income hindi lamang ng pamilya, kundi ng bayan. Ayon nga sa World Bank, kapag tumaas ng kahit 0.5 percentage points lamang kada taon ang labor participation ng babae sa banse, tataas ng mga 6% ang gross domestic product o GDP natin pagdating ng 2040 at 10% ng 2050.

Kapanalig, kapag isinusulong natin ang kaunlaran ng kababaihan, sinusulong din natin ang kaunlaran ng pamilya at ng buong bayan. Kung titingnan ang datos, marami sa mga babaeng nagtatrabaho ay kumikita ng pareho o mas malaki pa kaysa sa lalake, kaya lamang napipigilan ito dahil sa paniniwala ng marami na kailangan ang babae ang manatili sa bahay at ng kawalan ng assistance para sa childcare at domestic care ng maraming tahanan. Maari natin mapataas ang antas ng partisipasyon ng mga kababaihan sa pamamagitan ng mga pagbabago ng polisiya gaya ng mas malawak na flexible at work from home arrangements, mas maayos at mas malawak na child care assistance, at ang mas malawakang pagbabahagi ng kaalaman ukol sa gender sensitivity.

Panahon na upang suriin natin ang lipunan upang maging patas ito pagdating sa oportunidad ng mga mamamayan. Ayon nga kay Pope Francis sa Fratelli Tutti: The organization of societies worldwide is still far from reflecting clearly that women possess the same dignity and identical rights as men. We say one thing with words, but our decisions and reality tell another story.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,597 total reads

 94,597 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,627 total reads

 177,627 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,958 total reads

 271,958 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,641 total reads

 333,641 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 374,974 total reads

 374,974 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,598 total reads

 94,598 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,628 total reads

 177,628 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,959 total reads

 271,959 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,642 total reads

 333,642 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top