1,149 total views
Masayang ibinahagi ng Philippine National Police – Chaplain Service ang mga naisakatuparang gawain sa ilalim ng programang Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at ang revitalized KASIMBAYANAN program.
Iniulat ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo ang mga naisakatuparan mula noong ika-10 hanggang ika-16 ng Oktubre, 2022.
Batay sa ulat ng PNP-Chaplain Service, 636 ang naisagawang Spiritual Upliftment and Growth of the Organization (SUGO) na nasa ilalim ng pagsusulong ng kapayapaan ng ahensya; 50 naman ang naabot ng PAGGABAY Pastoral Counseling bilang pagbibigay malasakit; 34 sa ilalim ng programang USAP o Ugnayan ng Simbahan at Pulisya na nakapaloob sa KASIMBAYANAN program; at 803 sa iba pang isinasagawang gawain sa pagsusulong ng kaayusan sa pamayanan.
Tinitiyak ng PNP-Chaplain Service ang patuloy na pagsasakatuparan sa mandato na gabayan ang moralidad at buhay espiritwal ng aabot sa 190,000-libong kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa buong bansa.