Mamamayan, binalaan ng MOP sa pekeng Military Priest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,485 total views

Pinag-iingat ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya sa pekeng pari na nagpakilalang si Fr. Aries Aguilar.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na babala, nilinaw ni Rev. Fr. Harley Flores, acting Chancellor ng M-O-P na walang kaugnayan at hindi kasapi ng Military Ordinariate ang nasabing indibidwal.

Hinimok ni Fr. Flores ang mamamayan na maging mapagbantay laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan at ginagamit ang pangalan ng mga diyosesis upang makapanglinlang ng kapwa.

Ipinaalala ni Fr. Flores na sakaling makatanggap ng kaduda-dudang solicitation letter lalo na online transaction ay agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga parokya o ng diyosesis upang matiyak na lehitimo ang natanggap na sulat para sa donasyon.’

“This is to inform you that a certain “FR. ARIES AGUILAR” is not an ordained priest of the Military Ordinariate of the Philippines and he has never been connected with us ever since. Any claims and/or transactions he enters into using our name is therefore fraudulent and anomalous. Please notify this Office for further assistance and for any legal actions to be undertaken if necessary.” babala ni Fr. Flores.

Patuloy namang pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, mga diyosesis, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng pinansyal na donasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 28,514 total views

 28,514 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 50,519 total views

 50,519 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 74,861 total views

 74,861 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 98,517 total views

 98,517 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,169 total views

 132,169 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top