Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 533 total views

Mga Kapanalig, matapos ang tatlong taóng pagkakakulong, pansamantalang nakalaya sina Reina Mae Nasino at dalawa pa niyang kasamahan matapos silang makapaglagak ng surety bond na ₱282,000. Si Reina Mae ay isa sa tatlong inaresto sa opisina ng grupong Kadamay sa Tondo noong Nobyembre 2019 dahil sa illegal possession of firearms and explosives, bagay na mariin nilang itinatanggi.

Ngunit mas nakilala si Reina Mae dahil sa pagkamatay ng kanyang sanggol na inihiwalay sa kanya wala pang dalawang buwan mula nang ipanganak. Buntis noon ang 23-anyos na si Reina Mae nang hulihin siya, at nasa kulungan na siya nang isilang niya ang kanyang anak na pinangalanan niyang River. Kulang sa timbang ang bata ngunit pinabalik na sila sa Manila City Jail kung saan nanatili sila sa isang maliit na kuwarto. At dahil pinapayagan ng batas ng Pilipinas na manatili ang sanggol sa kanyang inang nakakulong sa loob lamang ng isang buwan, napilitan si Reina Mae na paalagaan sa kanyang ina ang kanyang anak.

Gaya ng inaasahan, lumubha ang kalusugan ng bata. Ilang beses na dinala sa ospital si Baby River dahil sa diarrhea. Sa kabila nito, hindi pinayagan si Reina Mae na makita at alagaan ang kanyang anak. Pagsapit ng ikatlong buwan ni Baby River, muli siyang naospital dahil naman sa pneumonia. Ito ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa araw ng libing, pinahintulutan si Reina Mae na dumalaw sa kanyang munting anghel. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, naka-PPE siyang dumating sa kanilang tahanan, nakasuot pa ng posas at pinalibutan ng napakaraming tauhan ng city jail. Tanging mga daliri lamang ni Reina Mae ang nakadapo sa katawan ng kanyang sanggol. Hanggang sa huli, pinagkaitan siya ng pagkakataong maging ina.

Ilan kaya ang mga inang katulad ni Reina Mae na nagtitiis sa loob ng kulungan at hindi makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanilang mga anak?

Sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology noong Hunyo 2022, may mahigit 13,000 na women PDLs o persons deprived of liberty sa iba’t ibang kulungan sa bansa. Ang mga nasa correctional institutions naman ay aabot sa mahgit 3,358, batay naman sa datos ng Bureau of Corrections noong 2021. Hindi pa natin pinag-uusapan ang mga babaeng nakapiit sa mga presinto ng pulis, at wala ring malinaw na datos kung ilan ang nagdadalantao o may mga anak. Mas kaunti ang mga babaeng nakakulong kumpara sa mga lalaking nasa bilangguan, ngunit mas mabigat ang kalungkutan, takot, at pagdurusang nararanasan nila, lalo na kung may mga anak silang naiwan.

Isa sa mga tinatawag nating mga Katolikong seven corporal works of mercy ay ang pagbisita sa mga bilanggo. Batay ito sa turo ni Hesus sa Mateo 25:35-46 kung saan sinabi Niyang binibisita natin Siya kapag binibigyang-panahon natin ang mga kapatid nating pinagkaitan ng kalayaan. Ito ay nagmumula rin sa ating paniniwalang ang mga nasa bilangguan ay mga taong katulad natin, mga taong may dignidad dahil nilikha silang kawangis ng Diyos.

Ngunit hindi sapat ang pagbisita sa mga bilanggo. Ang kailangan nila ay makataong pagtrato at mabilis na pagkamit ng katarungan sa pamamagitan ng mabilis na pagdinig sa kanilang mga kaso. Ang kailangan din ng mga inang nasa bilangguan ay pagkakataong maipadama nila ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak. Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit mga mahihirap ang nagtitiis sa mga kulungan gayong ang mga mayayamang mas matindi pa nga ang kasalanang ginawa ay nakalalaya pa?

Mga Kapanalig, panahon nang mag-isip tayo ng ibang paraan upang ituwid ang pagkakamali ng mga inang nakabilanggo—kung mapatunayan ngang may pagkakasala sila—nang hindi sila inaalisan ng pagkakataong maging magulang sa kanilang mga anak.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 4,098 total views

 4,098 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 10,071 total views

 10,071 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 15,826 total views

 15,826 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 23,089 total views

 23,089 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 31,074 total views

 31,074 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 4,099 total views

 4,099 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 10,072 total views

 10,072 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 15,827 total views

 15,827 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 23,090 total views

 23,090 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 31,075 total views

 31,075 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,317 total views

 35,317 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,321 total views

 47,321 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,363 total views

 55,363 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,920 total views

 46,920 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,345 total views

 45,345 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,131 total views

 47,131 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,056 total views

 44,056 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,370 total views

 58,370 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,060 total views

 62,060 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,663 total views

 60,663 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top