Ruta ng walk of faith katulad ng ruta ng traslacion ng poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,222 total reads

Nilinaw ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na ang rutang gagamitin para sa ‘Walk of Faith’ ay katulad ng sinusunod na ruta sa mga nakalipas na Traslacion ng Mahal na Poong Nazareno.

Ayon kay Quiapo Church parochial vicar Fr. Earl Allyson Valdez, susundin sa isasagawang Lakad Pananampalataya sa January 8 ang rutang dinaraan ng Traslacion, ngunit ang kaibahan lamang nito ay hindi isasama ang imahen ng Poong Nazareno at hindi rin ito sa mismong araw ng kapistahan sa January 9 gagawin.

Paliwanag ng pari na maliban sa pag-iingat sa banta ng coronavirus disease, ito ang naisip ng pamunuan upang mapanatili ang payapang pagdaraos ng Kapistahan ng Poong Nazareno gayundin upang higit na mapagtuunan ng mga deboto ang pananalangin.

“Different date and the focus is on the devotion, not the image dahil wala ‘yung imahen ng Poong Nazareno. We are expecting na marami pa ring deboto ang sasama sa Walk of Faith, lalong lalo na ‘yung may kagustuhan talagang magprusisyon para sa ating Poon,” pahayag ni Fr. Valdez sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Valdez na isasagawa sa Lakad Pananampalataya ang tradisyunal na pagdungaw ng imahen ng Nuestra Señora del Monte Carmelo ng Minor Basilica of San Sebastian, gayundin ang ‘pagsungaw’ ng imahen ng Nuestra Señora de la Soledad de Camba ng Nuestra Señora de la Soledad Parish sa Binondo, Manila.

“Bahagi na ng tradisyon, bahagi na ng kasaysayan ‘yung ating dungaw. ‘Yung pagsungaw naman ay lalabas naman ‘yung imahe ng Nuestra Señora de la Soledad. So, hindi naman siya lalabas. Hindi naman siya dadaan talaga sa simbahan, kun’di ilalabas ‘yung imahen sa mismong ruta,” ayon kay Fr. Valdez.

Bago ang Walk of Faith, isasagawa muna ang Banal na Misa ganap na alas-12 ng hatinggabi ng January 8 sa Quirino Grandstand sa pangunguna ng rektor at kura paroko ng Quiapo Church Fr. Jun Sescon.

Pagkatapos ng Misa ay sisimulan na ang paglalakad mula Quirino Grandstand at babagtasin ang mga rutang dinaraanan ng Traslacion patungong Quiapo Church.

Ito na ang ikatlong taon na muling ipagpapaliban ang tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 76,641 total reads

 76,641 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 117,200 total reads

 117,200 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 140,454 total reads

 140,454 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 188,722 total reads

 188,722 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 207,822 total reads

 207,822 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,278 total reads

 131,278 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top