Mga kabataan, hinamong ipasa ang pananampalataya sa susunod na henerasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total views

Labing limang libong mga kabataan mula sa sampung Diyosesis sa buong Pilipinas ang nagsama-sama sa Singles and Youth Faith on Fire (SYFOF) Conference na Relentless 2017 sa Smart Araneta coliseum.

Ayon kay Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco, maituturing na biyaya mula sa Diyos ang presensiya ng mga kabataan na malaki ang naiaambag sa pag-unlad at patuloy na paglago ng isang lipunan.

“Una, itong mga pagtitipon na ito ay isang pagkakataon upang buhayin sila [kabataan] at bigyan ng magandang guidelines how they could be gift to God’s people and to the world. Sila ay isang magandang handog para sa ating lipunan, para sa mga tao at iyan ang ating dapat idiin sa kanila na marami silang maiaambag sa kanilang talino, sa kanilang kakayahan at sa kanilang dedikasyon,” pahayag ng Obispo.

Pinangunahan ng Lord’s Flock Catholic Charismatic Community New Generation Ministry ang taunang youth-gathering na naglalayong mas pag-alabin ang pananampalataya ng mga kabataan sa buong bansa.

Kaugnay nito ay naniniwala si Lord’s Flock US-based Youth Leader Erin Troy Flores na sa pamamagitan ng paggabay ng Panginoon ay malalampasan ng bawat kabataan ang temptasyon at magiging simula ng inaasam na pagbabago sa komunidad.

“Truly as we all know that the world today is filled with a lot of destructions and temptations especially for the youth which pull them away from God so it is important that we put more effort for them to remain in God’s grace and God’s presence,” pagbabahagi ni Flores.

Kaugnay nito, hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga dumalo na ipasa sa susunod na henerasyon ang pananampalataya na ipinakilala ni Hesus sa sangkatauhan.

Ang Relentless 2017 ay ika-anim na bahagi ng SYFOF Conference Series and Concerts na nagsimula noong 2012 na may temang Firestarter na sinundad ng Ablaze noong 2013, Wildfire noong 2014, Illuminate noong 2015 at We are Tour naman noong 2016.

Sa kanyang mensahe sa 2014 World Youth Day, inaatasan ni Pope Francis ang mga kabataan na maging tagapaghatid ng pagkakaisa at tagapanumbalik ng kapayaan sa mundo taglay ang pusong maawain at may takot sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 54,106 total views

 54,106 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 178,517 total views

 178,517 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 220,637 total views

 220,637 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 298,081 total views

 298,081 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 51,031 total views

 51,031 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 255,131 total views

 255,131 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top