Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga kandidato, hinamong pagnilayan ang landas ng serbisyo publiko

SHARE THE TRUTH

 2,842 total views

Nanawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga kandidato sa nalalapit na 2025 Midterm national and local elections na gamiting pagkakataon ang Semana Santa upang makapagnilay.

Nanawagan si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga kandidato na samantalahin ang paggunita ng Mahal na Araw upang ganap na makapagnilay sa kung ano ang kanilang tunay na maiaambag para sa kabutihan at pag-unlad ng bayan.

Ayon sa Obispo, ang Semana Santa ay hindi lamang isang pagkakataon upang makapagbalik loob ang lahat sa Panginoon sa halip ay isang pagkakataon din upang mapagnilayan ang landas ng serbisyo publiko.

“Holy Week is not only a time for spiritual renewal but also a meaningful opportunity to contemplate the path of public service. We urge our aspiring leaders to reflect sincerely on the good they can do for the country and to recommit themselves to selfless service for the Filipino people—especially the poor, the marginalized, and the voiceless.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan rin si Bishop Bagaforo sa bawat isa na ipanalangin ang nalalapit na halalan upang ganap na manaig ang katotohanan, katarungan at tunay na demokrasya ng bansa.

“May this election be a celebration of genuine democracy and justice… May this Holy Week lead us all toward a renewed sense of purpose, guided by truth, compassion, and the common good.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na ituon ang pagtingin kay Hesus ngayong Mahal na Araw at humingi ng biyaya upang mas maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit para sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Batay sa tala ng COMELEC nasa 18,280 na posisyon ang pagbobotohan sa darating na 2025 Midterm Elections, kabilang ang 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 75,525 total views

 75,525 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 83,300 total views

 83,300 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 91,480 total views

 91,480 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 107,054 total views

 107,054 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 110,997 total views

 110,997 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,302 total views

 23,302 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,972 total views

 23,972 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 15,822 total views

 15,822 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top