Mga kontraktor na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Kamara, pinapa-subpoena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,467 total views

Ipinag-utos ng House Infrastructure Committee (Infra-Comm) ang pag-isyu ng mga subpoena laban sa limang kontratista na hindi dumalo sa kasalukuyang imbestigasyon kaugnay sa iregularidad sa mga flood control projects sa bansa.

Kabilang sa mga kumpanyang pinasu-subpoena ay ang: Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation; SYMS Construction Trading; Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation; St. Timothy Construction Corporation (STCC); at Wawao Builders Corporation.

Ayon kay Infra-Comm lead Chair at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, na siya ring chair ng House Committee on Public Accounts panel, ang pag-isyu ng mga subpoena ay makaraang aprubahan ng mga miyembro at hindi tumugon ang mga kumpanyang pinadalhan ng notice to appear sa joint committee.

Ang Infra-Comm ay binubuo ng Committees on Public Accounts, Good Government and Public Accountability, at Public Works and Highways kung saan nakatutok ang imbestigasyon sa mga sinasabing ghost projects, substandard works, at kuwestiyonableng budget insertions sa mga flood-mitigation projects sa buong bansa.

Sa paunang pagsusuri, kabilang ang SYMS Construction Trading at Wawao Builders Corporation sa mga kumpanyang nabanggit na sa mga naunang ulat kaugnay ng ghost projects sa Bulacan, na ayon sa komite ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng dokumentaryo at sworn testimony.

Ipinahayag din sa iba pang ulat sa media ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation, na napaulat na pag-aari ni Sarah Discaya, at kasalukuyang sinusuri ng Kongreso.

Ayon sa mga ulat, kabilang ang mga kumpanyang ito sa mga nakakuha ng malaking bahagi ng pondo para sa flood contro.

Bukod sa limang kumpanyang hindi sumipot sa pagdinig noong Martes dumalo ang lahat ng iba pang kontratista bilang resource persons.

Ayon sa komite, layunin ng pagdinig na ipakita nang malinaw kung paano ginagawa ang budget allocations mula sa National Expenditure Program (NEP) at bakit may ilang proyekto na hindi naipapatupad o substandard sa panahon ng budget execution.

“Ang laban sa iregularidad sa flood control ay laban para protektahan ang mamamayan at tiyakin na gumagana ang imprastruktura na naglalayong protektahan ang buhay at ari-arian,” ayon sa komite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 29,101 total views

 29,101 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 203,035 total views

 203,035 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,668 total views

 180,668 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,733 total views

 243,733 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 261,383 total views

 261,383 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top