Mga gawain sa Season of Creation 2025, inilatag ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,828 total reads

Naghanay ng iba’t ibang gawain ang Diyosesis ng San Pablo – Commission on Ecology bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Season of Creation 2025, na ginugunita mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre.

Kabilang sa mga inihandang programa ang lingguhang webinar, liturgical celebrations, at iba’t ibang ecological encounters na naglalayong isulong ang katarungan, kapayapaan, at pagmamahal sa kalikasan.

“The Diocese of San Pablo – Commission on Ecology invites everyone to journey with us in prayer, reflection, and action for our common home,” paanyaya ng komisyon.

Para sa unang linggo, gaganapin ang webinar na may paksang “Revisiting Laudato Si: Care for the Common Home and Its Implications on Ecological Disparity in Laguna” sa September 6, 2025, ganap na alas-7 ng gabi, na ibabahagi ni Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit, Rector and Parish Priest, Msgr. Jerry Bitoon.

Sa ikalawang Linggo, tatalakayin naman ang paksang “No to Ahunan Dam” sa isang online discussion sa September 13, 2025, alas-7 ng gabi, kasama si Bro. Danilo Francisco, chairman ng Committee on Justice and Peace and Integral Ecology of Laguna Economical Movement ng Diyosesis ng San Pablo.

Habang sa September 15 naman, magtitipon ang mga parokya ng diyosesis sa Ground Zero kung saan nakatakadang itayo ang Ahunan Dam, na susundan ng press conference.

Para sa ikatlong linggo, sa ilalim ng temang “Explore and Experience God and His creation in Pakil, Laguna,” magsisimula ang gawain sa Banal na Misa sa September 20, alas-7 ng umaga, na susundan ng Ahunan sa Ping-as pagsapit ng alas-8 ng umaga.

Sa parehong araw, gaganapin din ang webinar na may paksang “Care for Our Common Home: An Essential Part of Our Faith” at pagbabahagi ng Oikos 4S (Stewardship-Save-Segregate-Seed) Advocacy sa ganap na alas-7 ng gabi, na pangungunahan ni Bro. Jeffrey Corrales ng Couples for Christ Laguna.

Samantala, para sa ikaapat na linggo, tatalakayin ang paksa tungkol sa “Agriculture and Climate Change” na pangungunahan ni Laguna Provincial Agriculture Officer Mr. Marlon Tobias.

Alinsunod sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Leon XIV para sa World Day of Prayer for the Care of Creation 2025, umaasa ang Commission on Ecology ng diyosesis na ang lahat ay magtutulungan para sa sama-samang pagtatanim ng “binhi ng pag-asa at kapayapaan” para sa kapakanan ng inang kalikasan at ng mga susunod na henerasyon.

“Together, let us sow seeds of justice, peace, and love — nurturing creation and safeguarding the future of generations to come,” saad ng komisyon.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “Peace with Creation” o Kapayapaan kasama ang Sangnilikha, na nagsusulong ng pagkakaisa, katarungan, at pananagutan ng tao bilang katiwala ng mundo sa gitna ng patuloy na krisis sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 972 total reads

 972 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 51,662 total reads

 51,662 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 73,753 total reads

 73,753 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 173,572 total reads

 173,572 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 206,854 total reads

 206,854 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 124,983 total reads

 124,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top