Mga kontraktor na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Kamara, pinapa-subpoena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,537 total reads

Ipinag-utos ng House Infrastructure Committee (Infra-Comm) ang pag-isyu ng mga subpoena laban sa limang kontratista na hindi dumalo sa kasalukuyang imbestigasyon kaugnay sa iregularidad sa mga flood control projects sa bansa.

Kabilang sa mga kumpanyang pinasu-subpoena ay ang: Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation; SYMS Construction Trading; Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation; St. Timothy Construction Corporation (STCC); at Wawao Builders Corporation.

Ayon kay Infra-Comm lead Chair at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, na siya ring chair ng House Committee on Public Accounts panel, ang pag-isyu ng mga subpoena ay makaraang aprubahan ng mga miyembro at hindi tumugon ang mga kumpanyang pinadalhan ng notice to appear sa joint committee.

Ang Infra-Comm ay binubuo ng Committees on Public Accounts, Good Government and Public Accountability, at Public Works and Highways kung saan nakatutok ang imbestigasyon sa mga sinasabing ghost projects, substandard works, at kuwestiyonableng budget insertions sa mga flood-mitigation projects sa buong bansa.

Sa paunang pagsusuri, kabilang ang SYMS Construction Trading at Wawao Builders Corporation sa mga kumpanyang nabanggit na sa mga naunang ulat kaugnay ng ghost projects sa Bulacan, na ayon sa komite ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng dokumentaryo at sworn testimony.

Ipinahayag din sa iba pang ulat sa media ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation, na napaulat na pag-aari ni Sarah Discaya, at kasalukuyang sinusuri ng Kongreso.

Ayon sa mga ulat, kabilang ang mga kumpanyang ito sa mga nakakuha ng malaking bahagi ng pondo para sa flood contro.

Bukod sa limang kumpanyang hindi sumipot sa pagdinig noong Martes dumalo ang lahat ng iba pang kontratista bilang resource persons.

Ayon sa komite, layunin ng pagdinig na ipakita nang malinaw kung paano ginagawa ang budget allocations mula sa National Expenditure Program (NEP) at bakit may ilang proyekto na hindi naipapatupad o substandard sa panahon ng budget execution.

“Ang laban sa iregularidad sa flood control ay laban para protektahan ang mamamayan at tiyakin na gumagana ang imprastruktura na naglalayong protektahan ang buhay at ari-arian,” ayon sa komite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,674 total reads

 17,674 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,115 total reads

 52,115 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,597 total reads

 88,597 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,809 total reads

 106,809 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,232 total reads

 190,232 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top