Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga layko, kailangan ng magsalita at manindigan

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Ang mga layko ang dapat na magsilbing unang tagapagtanggol ng Simbahan at ng pananampalatayang Katoliko.

Ito ang panawagan ni Dra. Marita Wasan – Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas kaugnay sa mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga layko bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Wasan na mahalaga ang pagsasalita at paninindigan ng mga layko lalo’t higit ng mga Obispo at mga lider ng Simbahan upang magabayan ang mga mananamapalataya sa tamang gagawin.

Inihayag ni Wasan na dapat maunawaan ng bawat isa ang paghingi ng paumanhin ng mga Obispo dahil sa kanilang pahayag laban sa mga nagaganap na karahasan at kaguluhan sa lipunan na kinakailangan munang idaan sa mahabang panahon ng pananalangin at pagninilay.

“Dapat tayong mga layko ang dapat na nagsasalita at yun ang aming ginagawa at hanggang maari sana ay sa lahat ng parokya, sa lahat ng diyosesis, sa lahat ng mga Katoliko na nararamdaman kung gaano kahirap mula sa ating mga Obispo ang pagkukundisyon ng kanilang kaisipan dahil sa nangyayari, we need to pray tama sila kailangan natin ng panalanging mataimtim para mas magabayan tayo…” pahayag ni Wasan sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan ng pakikiisa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas (SLP) para sa nakatakdang Walk for Life na layuning isulong ang kahalagahan ng buhay kasabay ng paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat isa.

Nakatakda ang Walk for Life sa ika-16 ng Pebrero sa Quezon City Memorial Circle na magsisimula ganap na alas-4 ng madaling araw na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Isasagawa din ang Walk for Life sa Tarlac, Lingayen – Dagupan, Cebu, Cagayan de Oro at Palo.

Inaasahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na aabot sa 10,000 ang mga makikiisa sa nakatakdang Walk For Life mula sa iba’t ibang Lay organization, mga paaralan, unibersidad, religious congregations at mga kalapit na diyosesis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,552 total views

 22,552 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,612 total views

 36,612 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,183 total views

 55,183 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 79,880 total views

 79,880 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567