Mga lumabag sa kautusan ng Diyos sa midterm election, hinimok ng Obispo na magsisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,155 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya at Pilipinong nagkasala at lumabag sa kautusan ng Diyos at tao ngayong 2025 midterm election na magsisi at pagnilayan ang kanilang mga ginawa.

Ito ay sa pagtatapos ng halalan kung saan maaring nagkaroon ng mga pagbebenta o pagtanggap sa mga insidente ng vote buying sa lipunan o iba pang kasalanan na magsasanhi ng pagdurusa ng kapwa.
Ayon sa Obispo, hindi pa huli ang lahat, nawa sa pagtatapos ng election period ay pagsisihan ng mga nagkasala ang kanilang mga nagawa at gawin ang lahat upang hindi na ito maulit pa.
“Kung tayo man ay lumabag sa Kanyang mga Kautusan, ang lahat ng ito ay ating pagsisihan. Kung tayo man ay sa ating salita at gawa higit sa lahat sa nakraaang Halalan 2025 ay hindi nakapagdulot ng pagpaparangal sa Kanyang kadakilaan, tayo ngayon ay magtika at mangako na hindi na ito magaganap na muli sa ating pamumuhay. Kung ginawa natin na makabili o makakuha at makaisa sa ating kapwa na naging sanhi sa paglabag sa karapatan ng bawat isa at dangal ng pagboto, ito po ngayon ating nang talikuran, itama ang ating na mamaling pakikitungo at ituwid ang masasamang pag-uugali,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Umaasa ang Obispo na natuto rin ang mga Pilipino ngayong halalan sa pamamagitan ng kanilang boto ay nararapat na bigyan ng pagpupuri at kadakilaan ang Panginoon.
Ito ay upang magkaroon ng kaliwanagan sa mga susunod pang halalan at maiboto ang mga kumakandidato na may tunay na takot sa Diyos upang paglingkuran ang nakakarami

“Ngayon sa pagdiriwang sa Mayo 13 balikan po natin ang Mensahe ng Birheng ng Fatima sa mga batang pastol na sina Lucia, Francesco at Jascinta ay patuloy na nagtatanong sa atin, do you wish to offer your daily life to God?” (nais mo ba na ihandog ang iyong pang-araw araw na buhay sa Panginoong Diyos?), ialay po natin sa Panginoong Diyos ang ating salita at gawa na tama, totoo at tapat. Buong buhay natin para sa Kanya na mabuti, maayos at matuwid, tanggapin po ninyo ang aking pasasalamat at makakaasa po kayo ng aking pananalangin!,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Kasunod ito ng pagpapasalamat sa mga mananampalataya at volunteers ng Parish Pastoral Council For Responsible Voting sa Diyosesis ng Antipolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 25,600 total views

 25,600 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 46,581 total views

 46,581 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 69,009 total views

 69,009 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 242,217 total views

 242,217 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,987 total views

 217,987 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 3,380 total views

 3,380 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 3,398 total views

 3,398 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top