Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Migranteng Muslim

SHARE THE TRUTH

 1,445 total views

Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.”
Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil sa panganib sa kanilang buhay at ngayo’y naghihintay na may bansang tatanggap sa kanila. Sa pag-uwiniyamulasa Lesbos, isinama ni Pope Francis ang tatlong pamilyang Muslim, kabilang sa kanila ang anim na bata, upang sila ay bigyan ng bagong tahanan sa Roma, doon mismo sa Vatican kung saan naninirahan ang Santo Papa. Nang tanungin ang Santo Papa kung bakit mga pamilyang Muslim, at hindi mga Kristiyano, ang kanyang isinama pauwisa Roma, sinabi niyang bukod sa maayos ang kanilang mga dokumento,ang iisang pamantayan lamang naman ay ang pagiging anak ng Diyos.
Sa mga wika ng ito ng Santo Papa, mga Kapanalig, tayo ay pinaaalalahanan naanuman ang relihiyon o paniniwala ng tao, siya ay anak ng Diyos at nararapat nabigyan ng pagkakataongmabuhay nang marangal at malaya. Ang ginawang ito ng Santo Papa ay talaga namang katangi-tangisa pagkatsa buong Europa ngayon ay patuloyang debate kung dapat pa bang tumanggap ang kanilang mga bansa ng mga migrante lalo nang mga Muslim na nagmulasa Syria. Matapos ang mga pagsabog sa Paris at sa Brussels kamakailan,nakinasawi ng maraming tao at pinaniniwala ang gawa ng grupong ISIS, marami ang nagtutulak na maghigpit ang kanilang gobyerno sa pagtanggap ng mga migrante. Kaya’t ang ginawang pagsama ng Santo Papa ng mga pamilyang Muslim upang manirahansa Vatican ay maituturing na pagtutol sa pananaw naisaraang pinto ng Europa sa mga migranteng Muslim.

Ang ama ng isa sa tatlong pamilyang Muslim naisinama ng Santo Papa ay nilisan ang Syria kasama ng kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak.Inutusan daw kasi siyang pumatay ng mga kalaban ng kanilang pinunona si Pangulong Assad. Hindi raw siya papatay para sa pangulong bansa. Dahil ayaw niyang pumatay ng kanyang kapwa, minabuti niyang lisanin ang kanyang bayan kahit malagay sa panganib ang sarili niyang buhay, pati na ang buhay ng kanyangp amilya. Siya ay isang Muslim na,gaya ng isang Kristiyano, ay nagpapahalaga sa buhay ng tao.

Mga Kapanalig, nakalulungkot na sa bansa natin ngayon, tila marami ang nakakalimot sa napakahalagang turo ng ating Simbahan na ang sangkatauhan ay iisaang Ama, na anglahat ng tao ay anak ng Diyos.

Nariyan ang mga naghuhusga sa mga kapatid nating mga Muslim at itinuturing silang lahat bilang mga terorista. Nariyan din naman ang mga nag-iisip,lalo na sa panahon ng nalalapit na eleksyon,na mas mabuti raw ang mga pinunong handang pumatay kung ang pinapatay naman daw ay kriminal.Nakakalungkot at mapanganib, mga Kapanalig,ang paglaganap ng ganitong kaisipan. Labag na labag ito sa turo ni Hesus at ng ating Simbahan.

Ang ginawa ng Santo Papa, mga Kapanalig, ay isang pagpapakita na ang ating pananampalataya sa isang maawain at mapagpalang Ama ay hinahamon tayong huwag mag pabulag at magpakulong sa mga bagay na naghihiwalay sa atin sa ating kapwa. Ang isang Muslim naminabuti pang ilagay sapanganib ang kanyang buhay sa halip na sundin ang isang utos na pumatay ng tao ay maaring higit na maka-Kristiyano ang pag-iisip kaysa sa mga banyagang dinadakila ang mga lider na pumapatay nang walang paglilitis.
Sagrado ang buhay ng tao, sinuman siya, anuman ang kanyang pananampalataya, anuman ang kanyang nagawa. Ito ang batas ng Diyos nakailanma’y hindi dapat ipagpalit sa anumang batas ng tao.
Sumainyo ang katotohanan

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,220 total views

 10,220 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,320 total views

 18,320 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,287 total views

 36,287 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,606 total views

 65,606 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,183 total views

 86,183 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 1,645 total views

 1,645 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top