Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

SHARE THE TRUTH

 1,061 total views

Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon.

Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity o hindi pagkapantay pantay hindi lamang sa ating bansa, kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Naging mas mahirap pa ito tugunan ngayon dahil ang “mood’ o political climate sa maraming mga bansa, ayon sa WEF, ay “anti-establishment populism.” Ramdam ito sa ating bansa, kapanalig. Ang karamihan sa ating mga demokratikong institusyon ay tila sinusubukan ngayon, at hindi na kasing lakas o kasing lawig ang suporta sa mga ito. Ang pangalawang hamon: kailangan na nating suriin ang merkado at lipunan. Gaano ba tayo naging “inclusive” bilang isang bansa?
Kaugnay ng pagsusuri na ito ang ang susunod na hamon sa ating daigdig: ang identity at community, o pagkakilanlan at komunidad. Sa buong mundo kapanalig, nagbabago ang mga pananaw at ugali mula sa indibidwal na lebel hanggang sa malawakang lipunan. Ang ating mga depinisyon ng kasarian, lahi, kulay, relihiyon, pati politika ay nagbabago. Marami na ang nalilito. Nagkakaroon, ayon sa WEF, ng “cultural schisms.” Mas lalo tayong kumakalas sa isa’t-isa kapanalig, sa halip na maghawak kamay at sabay sabay iangat ang buhay ng kapwa.

Sa gitna ng pagbabago na ito, ang teknolohiya ay nagdadala rin ng mga bagong inobasyon na bumabago rin ng ating buhay. Ito ang pangatlong hamon. Paano ba natin mapapamalakaya at magagamit ang teknolohiya upang payabungin ang buhay ng tao? Sa ngayon, ang kapangyarihan ng teknolohiya ay tila parehong regalo at sumpa. Ang mga global-wide virus at ransomware attacks, ang hacking, at iba pa, ay malaki ang banta sa buhay at kabuhayan ng tao. Kaya nitong sirain ang ilang taon ng pagsasa-ayos ng mga procedures at sistema ng mga organisasyon at ahensya. May kontrol rin ang teknolohiya sa takbo ng pera.
Ang mga isyung pangkalikasan ay isa rin sa mga pangunahing hamon ng maraming mga bansa ngayon. Handa ba tayo, kapanaig, sa climate change? Kaya ba nating harapin ang mga pagbabagong dala nito sa ating weather patterns? Maliban sa climate change, kamusta na ang ating karagatan, ang hangin, at ang lupa? Tatagal pa ba sila ng maraming panahon, o matatabunan na lamang sila ng ating mga basura?
Ang global na kooperasyon ay panglima sa mga hamon na hinaharap ng mga bansa ngayon. Nagkakaisa pa ba ang mga bansa ng mundo? May mga pamantayan ba tayong sinusundan at nirerespeto na gumagabay sa ating pakikisalamuha at pakikipag-ugnay sa isa’t isa?
Kapanalig, ayon nga sa Laudato Si, tayo ay isang pamilya, at iisa ang ating tahanan. Ang lahat ng hamon na ito ay hamon sa atin bilang isang pamilya. Sa gitna ng lahat ng pagbabago at ng mga problema, magsasama sama nawa tayo. Iisa lamang ang ating mundo. Magkakaiba man tayo, iisa lamang ang ating pamilya. Nawa’y tayo’y magkaisa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 11,967 total views

 11,967 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 19,448 total views

 19,448 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 32,588 total views

 32,588 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 38,561 total views

 38,561 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 44,315 total views

 44,315 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Veritas Team

Bantayan—at ipagdasal—ang bagong pinuno ng PhilHealth

 2,547 total views

 2,547 total views Mga Kapanalig, sa ilalim ng Section 14 ng Universal Health Care Law, malinaw na nakasaad na ang presidente at chief executive officer ng PhilHealth ay dapat na may hindi bababa sa pitong taóng karanasan sa larangan ng public health, management, finance, at health economics. Ngunit mismong ang bagong talagáng pinuno ng PhilHealth na

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Weeds Among the Wheat: A Parable of Our Struggles

 1,195 total views

 1,195 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XVI-A, 23 July 2017 Wisdom 12:13,16-19//Romans 8:26-27//Matthew 13:24-43 There is no doubt among us believers of God’s power and might, of His immense love and goodness, of His wisdom and knowledge of everything. But when we observe how things are going on in the world

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Parable of the Sower, A Parable of Our Life In Christ

 932 total views

 932 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XV-A, 16 July 2017 Isaiah 55:10-11//Romans 8:18-23//Matthew 13:1-23 Starting today we get into the heart of Jesus Christ’s preaching, the parables. In St. Matthew’s gospel account, chapter 13 constitutes a well-defined structure of a collection of parables referred to as “Discourse on Parables” from which

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

God-Centered Life

 872 total views

 872 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe, Week XIV-A, 09 July 2017 Zechariah 9:9-10//Romans 8:9,11-13//Matthew 11:25-30 You must be so familiar with our Gospel today where Jesus calls us to “Come to me, all you who labor and are burdened, and I will give you rest.” (Mt.11: 28) Often described as the “sweetest

Read More »
Veritas Editorial
Veritas Team

Mga Migranteng Muslim

 769 total views

 769 total views Mgab Kapanalig, ang mahal na Santo Papa ay muli na namang nag pamalas ng isang napakagandang aral nang siya ay tumungo sa isla ng Lesbos sa bansang Greece. Dinalaw niya ang mga migrante na nasa isang “refugee camp.” Doonsa Lesbos ay nakisalamuha siya sa mga migranteng mula sa Syria, silang mga lumisan dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top