VeritasPH

The Word, The Truth

Huwag nang dagdagan ang paghihirap ng mga bakwit

SHARE THE TRUTH

 190 total views

Mga Kapanalig, maraming mga batang nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang excited dahil balik-eskwela na sila matapos ang dalawang buwang bakasyon.

Ngunit para sa 5,000 batang apektado ng kaguluhan sa Marawi City, hindi pa rin nila alam kung kailan nila muling makikita ang kanilang mga kaklase, kung kailan nila makikilala ang bago nilang guro, o kung kailan sila magkakaroon ng mga aklat at gamit sa eskwela. Sinabi noong isang linggo ng Department of Education o DepEd na ipagpapaliban muna nang dalawang linggo ang pasukan sa Marawi. O maaaring mas tumagal pa, depende kung kailan matatapos ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng mga kasapi at tagasuporta ng Maute group. Depende rin ito kung gaano kabilis maibabalik ang kapayapaan sa lungsod na nabulabog ng karahasan.

Ito ang nakalulungkot na epekto ng karahasan, hindi lamang sa Marawi, kundi sa lahat ng lugar na nababalot ng terorismo: ang pagkamulat ng mga musmos sa walang saysay na kaguluhan. Kasintindi ng mga pinsalang natamo ng mga gusaling tinadtad ng bala at kasinglakas ng alingawngaw ng mga bomba ang imahe ng karahasang nakaukit na sa alaala ng mga batang naiipit sa digmaan. At hindi lamang dalawang linggo ang kailangan upang maibalik sa “normal” ang kanilang buhay. Tiyak na bibitbitin ng mga batang taga-Marawi hanggang sa kanilang paglaki ang hirap at sakit na kanilang nararanasan bilang mga “bakwit.”

Kaya’t nakakabagabag marinig, lalo na mula sa mga taong malayo sa Marawi, na dapat lamang daw magpatuloy ang opensiba ng puwersa ng pamahalaan hangga’t hindi nauubos ang kanilang mga kalaban. Hindi natin sinasabing dapat lamang hayaan ang mga teroristang grupo na maghasik ng lagim sa Marawi o saan man sa Mindanao. Ang punto natin, mga Kapanalig, ay hindi lamang natin dapat sinusukat ang tagumpay ng anumang tugon ng ating pamahalaan sa terorismo batay sa bilang ng mga teroristang napapatay. Hindi tamang ituring lamang na “collateral outcome” o hindi sinasadyang epekto ang paglikas ng napakaraming pamilya patungo sa mga lugar na bagamat ligtas ay hindi nila alam kung ano ang kanilang kahihinatnan.

Kinikilala natin sa Simbahan ang karapatang gumamit ng puwersa o ang “right to use force” para sa lehitimong pagtatanggol sa mga mamamayan. Ngunit kaakibat nito ang pananagutang pangalagaan at tulungan ang mga inosenteng biktimang walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili kapag may pagsalakay. Ang tinatawag nating “principle of humanity” na nasa kaibuturan ng konsensya ng bawat tao at ng lahat ay may kasamang obligasyong protektahan ang ating kapwa mula sa epekto ng digmaan at kaguluhan.

Nakalulungkot na sa maraming lugar na may operasyon ang pamahalaan para supilin ang karahasang dala ng mga kalaban ng estado, ang dignidad ng tao ay naisasantabi sa ngalan ng pagtugon sa militar o pulitikal na pangangailangan. At kung nangingibabaw ang mga layuning pangmilitar o pampulitika, laging mayroong mga tao—kasama ang mga bata—na mapupuwersang lisanin ang kanilang lugar. Ganito po ang nagaganap sa ilang taon nang kaguluhan sa Syria, at hindi naman sana tayo umabot sa katulad na sitwasyon. Ngunit kung magpapatuloy ang opensiba ng ating pamahalaan laban sa mga grupong naghahasik ng gulo sa Marawi, huwag tayong magtatataka kung patuloy na darami ang mga pamilyang lilikas patungo sa mga mas ligtas na bayan.

Kaya’t marapat lamang, mga Kapanalig, na ating tanungin ang pamahalaan: Ano ang plano nito upang tunay na maging ligtas ang ating mga kababayan sa Marawi? Ano ang plano nito upang makabalik na sa kanilang mga tahanan ang mahigit 100,000 bakwit? Ano ang plano nito upang makapasok na sa kanilang paaralan ang mga bata? Hindi matutugunan ang mga ito sa pamamagitan ng mas matagal pang palitan ng putok ng bala at bomba. Upang hindi na tumagal pa ang paghihirap ng mga bakwit, mas mainam kung matatapos ang labanan sa Marawi sa lalong madaling panahon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,957 total views

 13,957 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,942 total views

 21,942 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,478 total views

 29,478 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,463 total views

 45,463 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,507 total views

 53,507 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 13,958 total views

 13,958 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 21,943 total views

 21,943 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 29,479 total views

 29,479 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 45,464 total views

 45,464 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 53,508 total views

 53,508 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,167 total views

 46,167 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,592 total views

 44,592 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,378 total views

 46,378 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,303 total views

 43,303 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,617 total views

 57,617 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,307 total views

 61,307 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,910 total views

 59,910 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,897 total views

 69,897 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,865 total views

 73,865 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,752 total views

 84,752 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top