Cardinal Tagle, umaapela ng suporta sa YSLEP ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 785 total views

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko nang tulong para sa pangangalap ng pondo sa Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila.

Ang YSLEP scholarship program ng Caritas Manila ay nagbibigay ng tulong sa mga kabataan na walang kakayahan na makapagkolehiyo.

“At marami na po tayong graduate scholars at nanunungkulan na po sa ibat ibang larangan ng buhay.

Lalo na po noong natapos ang bagyong Yolanda napakarami pong mga taga-Visayas at Mindanao na humingi ng tulong sa Caritas Manila na kung maari ang kanilang mga anak na baka hindi magtuloy ng pag-aaral ay masuportahan,” ang pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ay may limang libo ang YSLEP scholars ng Caritas Manila sa iba’t-ibang bahagi ng bansa maging sa Visayas at Mindanao.

Panawagan ni Cardinal Tagle para sa YSLEP: “Kaya mga kapanalig, mga kaibigan ang isa pong pamamaraan upang makatulong sa pagbabago ng buhay hindi lamang ng isang tao, kundi ng kanilang pamilya at ang kanilang barangay ay ang edukasyon. Sa inyo pong tulong dito sa YSLEP telethon, naku, ilang tao po ang maaring magbago ang buhay. Kaya sige na po, tumawag na po kayo at mag-pledge ng iyong tulong.”

Naniniwala ang kanyang Kabunyian na ang edukasyon ay hindi lamang nakakatulong sa kabuhayan ng mga estudyante kundi pagmumulat din sa mga kabataan ng katotohanan tungo sa kapayapaan.

Sinabi ni Cardinal Tagle, ngayon at kabi-kabila ang banta ng karahasan hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa ibang panig ng mundo –ang edukasyon ang isa sa mabisang tugon para imulat ang kabataan sa katotohanan at malawak na pag-iisip.

“Pero ang isa, sa mabisa na paglayo sa mga kaisipan na lumalason sa kabataan lalo na para sila ay malihis ng landas, ang isang magandang tugon ay ang edukasyon. Kita naman natin na ang karahasan lalo na sa panahon natin ngayon ay nakadikit sa maling pag-iisip na ipinupunla lalo na sa kabataan. Kaya ang tamang edukasyon na magmumulat sa mga kabataan sa katotohanan at sa mas malawak na pananaw, ito po ay makakatulong hindi lamang sa kabuhayan kundi sa kapayapaan. Please, please tumulong po tayo sa ganito!” Giit pa ni Cardinal Tagle.

Una na ring nanawagan si Pope Francis sa mga lugar na may digmaan na itigil na ang kaguluhan lalo’t ang mga kabataan na nasa lugar ng digmaan ay napagkakaitan ng pag-asa at kinabukasan.

Ipinagpaliban naman ng Marawi City ang araw ng pasukan ng mga estudyante sa kanilang lungsod bunsod na rin ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Maute Group at ng military para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.

Base pa sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority noong 2016, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan nasasakop ang Marawi- din ang may pinakamalaking drop out sa rehiyon ng Mindanao na umaabot sa 14 percent na maaring bunsod ng problema sa peace and order sa lugar.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 818 total views

 818 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »

Mga Hamon sa Kabataan

 9,184 total views

 9,184 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »

Inequality sa ating Bayan

 15,061 total views

 15,061 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »

Mga Katutubo

 18,834 total views

 18,834 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 24,795 total views

 24,795 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Paniningil ng PhilHealth premium contributions, pinatitigil ng mambabatas

 37,629 total views

 37,629 total views Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed. Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Taguig City, magbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral ng bagong nasasakupang barangay

 5,264 total views

 5,264 total views Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kabilang ang mga mag-aaral mula sa 10 Embo barangays sa mga benepisyaryo ng scholarship ng lungsod. Ito ay ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program kung saan nakatatanggap ang mga mag-aaral ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon. Ang programa ayon kay Taguig City

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Tumugon sa pangangailangan ng kapwa, panawagan ng Caritas Manila

 2,239 total views

 2,239 total views Bilang mga kristiyano ay hinihikayat ang bawat isa na tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, dahil ang kahirapan ay malaking banta sa kaganapan ng buhay. Ayon kay Caritas Manila executive Fr. Anton Pascual na siya ring pangulo ng Radio Veritas, ang panahon ng Kuwaresma at Semana Santa ay isang pagkakataon sa bawat isa

Read More »
marawi
Latest News
Marian Pulgo

Marawi bakwits, umaasang makakabalik sa mga tahanan sa Disyembre 2021

 842 total views

 842 total views Umaasa ang mamamayan ng Marawi na makakabalik na sila sa kanilang mga tahanan, apat na taon makaraan ang digmaan sa Islamic city. Ayon kay Rey Barnido, Executive Director ng Duyog Marawi, inaasahang matatapos ang mga ipinagawang imprastraktura ngayong Disyembre. “Kakayanin naman ng gobyerno na tapusin ang infra by December 31, pero yung pagrehabilitate

Read More »
Politics
Marian Pulgo

Iligan City, ligtas sa banta ng terorismo

 822 total views

 822 total views Ito ang tiniyak ni Iligan Bishop Elenito Galido bagamat pinakamalapit ang lungsod sa Marawi City kung saan nagaganap ang kaguluhan. Inihayag ni Bishop Galido na ang Iligan City din ang nagsisilbing evacuation centers ng mga residenteng nagsilikas sa Marawi dahil sa labanan. Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa

Read More »
Politics
Marian Pulgo

Restriction ng FB sa jihad at fake news account, hindi pagsupil sa freedom of expression

 822 total views

 822 total views Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagsupil sa kalayaan ng pagpapahayag ang hakbang ng social media giant na Facebook na higpitan ang social media account na nagpapahayag ng paghihimagsik at terorismo. Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, may sariling regulasyon ang

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Pagpapasaklolo ng PDU30 sa MNLF at MILF, insulto sa AFP.

 763 total views

 763 total views Hindi sang-ayon ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa paghingi ng tulong ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at New People’s Army sa pagtugis sa Maute Group na sinasabing kaalyado ng international terrorist. Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Pag-amin, unang hakbang para magamot ang isang addict

 772 total views

 772 total views Pag-amin sa pagiging lulong ang unang hakbang para magamot ang mga addict maging ito may ay illegal na droga, alak o pagsusugal. Ayon kay Father Teodulo Gonzales, SJ isang psychologist at program director Center for Family Ministries (CEFAM), ang lahat nang nalulong ay may kakulangan sa sarili at naghahanap nang pagpuno sa kaniyang

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

YSLEP, katuparan ng pangarap at kinabukasan ng mga mahihirap na estudyante

 824 total views

 824 total views Ito na ang minimithi nina Rodeliza Compra isang katekista ng Diocese ng Ipil at Jennes Badan ng Diocese ng Tagbilaran na kapwa scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila. Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Rodeliza na hindi niya inakala na makakatuntong siya ng kolehiyo dahil na

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Buhay ang mga hostage ng Maute.

 845 total views

 845 total views Buhay at nasa mabuting kalagayan ang pari at iba pang bihag ng Maute group. Ito ang natatanggap na balita ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña mula sa ilang peace advocate na naging kasama noon ni Father Chito Suganob na kasalukuyang hawak pa rin ng mga bandido. “We are getting stories from outside, regarding

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Labanan ang fake news

 850 total views

 850 total views Hinikayat ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang katotohanan laban sa mga maling impormasyon. Ito ang paalala ng Obispo kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pentecost sa araw ng Linggo ika-4 ng Hunyo, 2017. Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na kasabay ng pagsilang ng Simbahan ay tinanggap natin

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Resorts World tragedy, hindi terrorists attack.

 821 total views

 821 total views Tiwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dahilan ang trahedyang naganap sa Resorts World para mapalawig ang umiiral na martial law sa Mindanao. Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang insidente ay walang kinalaman sa terorismo kaya’t walang dahilan

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Airstrike sa Marawi, ipinapatigil ng isang civic organization.

 829 total views

 829 total views Nanawagan ang isang civic organization sa Lanao kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang ‘airstrike’ na ginagawa ng militar sa Marawi City. Ayon kay Suwaib Decampong, spokesperson ng Lanao Institute for Peace and Development bukod sa pangambang matamaan ang mga na-trapped na residente ay marami ring imprastraktura ng lungsod ang masisira. “Opo yun

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Paggalang sa kapwa tao, epektibong pagpapahayag ng mensahe

 908 total views

 908 total views Paggalang sa kapwa tao ang susi sa epektibong pagpapadaloy at pagpapahayag ng mensahe sa pamamagitan ng radio, telebisyon, social media at maging personal na pakikipag-usap. Ito ang paalala ni Sister Consolata Manding, FSP directress ng Pauline Institute of Communication for Asia (PICA), kaugnay na rin sa mensahe ni Pope Francis sa ika-51 pagdiriwang

Read More »
Social Zone
Marian Pulgo

Lakbay Buhay: pagmumulat, pagbibigkis sa mga Pilipino laban sa death penalty

 794 total views

 794 total views Pagbibigkis sa mamamayang Filipino na tutol sa death penalty ang isinagawang 21-day caravan ng Lakbay Buhay na pinangungunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) Ayon kay Fr. Atilano Fajardo, head ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila at convenor ng Huwag Kang Magnakaw

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top