Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga nakalimutang bayani ng Edsa

SHARE THE TRUTH

 470 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayong linggo ang makasaysayang EDSA People Power na nagpatalsik sa diktador na Pangulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 1986. Sa marami sa ating may malay na nang mga panahong iyon, marahil ang ating naaalala ay ang libu-libong taong nagdagsaan sa harap ng Kampo Aguinaldo at pinunô ang buong lawak at haba ng EDSA mula Ortigas hanggang Cubao.

Ngunit ilan kaya sa atin ang nakakaalalang dalawang linggo bago nangyari ang pag-aaklas, may 35 computer technicians na kabilang sa COMELEC National Tabulation Project na nagsagawa ng isang makasaysayang walkout? Iniwan nila ang kanilang ginagawang pagbibilang ng mga boto dahil napansin nilang ang kanilang pinapasok na mga numero sa computer ay hindi tumutugma sa lumalabas na tally sa malaking screen na siyang nakikita ng publiko.

Sa pangyayaring ito, ang mga ordinaryong mamamayang tumutupad lamang sa kanilang gawain at propesyon at walang kinikilingang kandidato ay nagpasyang manindigan laban sa napansin nilang pagmamanipula sa resulta ng halalan. Bawat isa sa 35 indibidwal ay nakinig sa kanyang konsensiya, nagpahalaga sa integridad ng kanyang propesyon, at naglakas-loob na tumiwalag sa alam niyang nagaganap na pandaraya.

Ilan kaya sa atin ang mayroong ganitong tapang at paninindigan sa harap ng pandaraya, pagsisinungaling, at pagbabaluktot ng katotohanan na nagaganap ngayon? Iba ba ang kalagayan natin noon at ngayon, o may pagkakapareho? Iba marahil ang anyo ng mga kaganapan, ngunit hindi maitatangging laganap pa rin ang pandaraya at paglilinlang sa taumbayan ngayon. Laganap ang fake news at tahasang kasinungalingang isinusubo sa mga tao sa social media.  Ngayon natin sana kailangang muli ang tapang at paninindigang ipinakita ng 35 computer technicians noong 1986. Kakaunti lamang sila, subalit nabago nila ang takbo ng kasaysayan. Dahil sa ginawa nila, namulat ang mga tao sa pandarayang naganap sa 1986 snap elections na ipinatawag ni Marcos, at ito ang naging mitsa ng pag-aaklas ng taumbayan.

Ano ang matututunan natin dito?

Kapag may nakikita tayong mali sa mga nangyayari sa ating lipunan, madalas tayong panghinaan ng loob at sinasabi natin sa ating sarili, “Ano ba naman ang magagawa ko?” o “Ano ang magagawa natin gayong kakaunti lamang tayo?” Ang ginawa ng 35 computer technicians, na maituturing na tunay na kabayanihan, ay nagpabago sa kasaysayan, at hindi ito gawa-gawang kuwento lamang. Ang kanilang ginawa ay dapat na laman ng mga aklat sa ating mga paaralan upang maitanim sa isip ng kabataan ang tungkulin nilang tumindig para sa katotohanan at labanan ang panlilinlang.

Talamak ngayon ang kasinungalingan sa social media, at madaling magpakalat ng fake news.  Pinapaalala ng panlipunang turo ng ating Simbahan na ang layunin ng media ay ang gawin tayong mulát sa ating dignidad bilang tao, mas responsible, at bukás sa ating kapwa, lalo na sa pinakanangangailangan at pinakamahina sa lipunan. Hindi dapat ginagamit ang media upang iligaw ang ating kapwa at itulak silang magdesisyon batay sa mali at kasinungalingan.

Mga Kapanalig, sinabi ng Panginoon kay propetang Jeremias, “Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako’y magiging kanilang Diyos at sila’y magiging aking bayan.” Kapag pinakikinggan natin ang kautusang inilagay mismo ng Panginoon sa ating kalooban at sa ating konsensya, kinikilala natin Siya bilang Panginoon, at tayo ay mananatiling Kanyang bayan. Ngunit kapag tinalikuran natin ang kautusang inilagay Niya sa ating puso, para na ring sinabi natin sa Kanyang “hindi ka namin Panginoon at hindi mo rin kami bayan.”  Kailanman ay hindi tayo iiwan ng Diyos, ngunit kung tayo mismo ang nagwawaksi sa Kanya dahil pinipili nating maniwala sa mga kasinungalingang dulot ng tao, paano tayo maililigtas sa kapahamakang tayo mismo ang pumili?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,333 total views

 6,333 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,473 total views

 19,473 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,446 total views

 25,446 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,201 total views

 31,201 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,463 total views

 38,463 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,334 total views

 6,334 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,474 total views

 19,474 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,447 total views

 25,447 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 31,202 total views

 31,202 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,464 total views

 38,464 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,091 total views

 41,091 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,472 total views

 36,472 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,476 total views

 48,476 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,518 total views

 56,518 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,075 total views

 48,075 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,500 total views

 46,500 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,286 total views

 48,286 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,211 total views

 45,211 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,525 total views

 59,525 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,215 total views

 63,215 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top