Mga Pari, relihiyosa at relihiyoso, hinamong tularan ang kalinisan ni Padre Pio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Hinamon ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Clergy ang mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa na tularan ang kalinisan at katapatang taglay ng puso ni Padre Pio.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagbisita ng hindi naaagnas na puso ni Sto. Padre Pio sa Pilipinas sa sususnod na buwan.

Ayon sa Obispo, naranasan ni Padre Pio ang mismong sugat ni Hesus at nakibahagi ito sa kanyang paghihirap na patunay na sa bawat pagsubok na kinakaharap ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa ay kasama ang Diyos.

“Katulad ni Padre Pio ay manatili po tayong tapat sa kabila ng mga pwedeng suffering that we are experiencing sapagkat si Padre Pio pinagkatiwalaan ni Hesus na yung kanyang mga sugat ay maranasan din ni Padre Pio kaya sa kabila nung mga kahirapan at mga pasakit sa katawan ay ginawa pa n’yang daan upang s’ya ay mapalapit sa Diyos kaya kung ano man ang nararanasan nating kahirapan ay makikita natin dun si Hesus.” pahayag ni Bishop Famadico sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo dumalaw man o hindi ang relikya ni Padre Pio sa bansa ay kinakailangang mapagibayo ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa ang kanilang pag-ibig at katapatan sa sinumpaang tungkulin sa Diyos.

Umaasa si Bishop Famadico na maging instrumento ang bawat isa upang si Hesus ay tunay na maranasan ng lahat ng mga mananampalataya lalo’t higit sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan at ng simbahan sa kasalukuyan.

“Yung patuloy na pamumuhay bilang isang anak ng Diyos at pagiging tapat sa charism bilang isang religious at higit sa lahat para sa mga pari na maging instrumento upang si Hesus ay maranasan lalo’t higit sa present situation na ito.” Dagdag pa ng Obispo

Sa ika-5 ng Oktubre darating sa Pilipinas ang Relikya ng hindi na-aagnas na puso ni Padre Pio, at mananatili ito sa bansa hanggang sa ika-26 ng Oktubre.

Ngayong ika-20 ng Septyembre ay gugunitain naman ang ika-100 taon ng stigmata ni Padre Pio habang ipagdiriwang naman ang ika-50 taon ng kanyang kamatayan sa ika-23 ng buwang kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

“Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay, Pag-ibig ang

Read More »
Scroll to Top