Pananamantala ng pamahalaan, kinundena ng mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total reads

Kinundena ng mga magsasaka ang pananamantala ng pamahalaan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Ayon kay Zenadida Soriano, National Chairperson ng National Federation of Peasant Women, ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang mataas na inflation rate sa bansa upang ikatwiran ang panukalang pag-aangkat ng bigas.

“Sinasamantala ng mga ekonomistang ito ang pagkakataon para maisulong ang dagdag na namang importasyon ng bigas.” pahayag ni Soriano sa Radio Veritas.

Sinabi ni Soriano na kinakatigan lamang ng economic managers ng administrasyong Duterte ang pribadong sektor sa pagkontrol ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, naitala ang 6.4 porsiyentong inflation rate sa bansa mas mataas ng 2.6 porsiyento kumpara noong nakalipas na taon sa kaparehong buwan.

Samantala, ang kabuuang rice inventory naman sa bansa noong ika – 30 ng Agosto ay umabot sa mahigit 2 milyong metriko tonelada na sasapat lamang ng 64-araw kung saan higit 992 libo metriko tonelada dito ay nasa households, 46 na porsiyento naman sa mga commercial warehouses habang halos 6 na porsiyneto lamang ang hawak ng National Food Authority.

“Kaya hindi talaga mai-stabilize ng NFA ang presyo dahil halos wala siyang hawak na stock ng NFA rice kumpara sa hawak ng commercial warehouses.” dagdag ni Soriano.

Muling iginiit ng grupo na dapat ihinto ng pamahalaan ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis o ang tax Reform for Accelaration and Inclusion Law na nagdulot ng pagtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.

Iginiit din ng grupo na dapat magpatupad ng price control ang gobyerno at buwagin ang mga rice cartels sa bansa.

Naunag sinabi ng grupong Bantay Bigas na dapat tangkilikin ang sariling produkto ng bansa sa halip na mag-import.

Read more:  Tangkilikin ang sariling atin

Sang-ayon naman ang Simbahang Katolika na dapat palawakin ng pamahalaan ang pagtulong sa mga magsasaka upang higit na mapatatag ang lokal na produksyon na titiyak sa suplay ng pagkain sa bawat mamamayan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 4,556 total reads

 4,556 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 34,995 total reads

 34,995 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 129,225 total reads

 129,225 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 189,720 total reads

 189,720 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 203,627 total reads

 203,627 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 284,268 total reads

 284,268 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top