161 total views
Hinihimok ng Kalikasan People’s Network for the Environment si Pangulong Benigno Aquino III na ipawalang bisa ang mga inaprubahan nitong permit ng coal-fired power plants sa bansa.
Ayon kay Clemente Bautista National Coordinator ng grupo, kung tunay na seryoso ang out going administration sa inaprubahan nitong batas na Commission resolution 2016-001 ay dapat may kongkretong itong plano na pagpapatigil sa mga plantang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon sa bansa.
Ipinag-uutos sa ilalim ng Commission Resolution 2016-001 ang pagsisiyasat sa epekto ng coal fired power plants sa mga komunidad na malapit dito.http://www.veritas846.ph/pagpapaunlad-sa-renewable-energy-pinaboran-ng-simbahan/
“Kung seryoso at tapat yung kasalukuyang administrasyon ni Aquino, ang pwede n’yang gawin, ipawalang-bisa n’ya ‘yung mga agreements o permits na ibinigay n’ya duon sa pagtatayo ng mga coal power plants. Ang problema nyan nag papa pogi s’ya, bagama’t positibo ‘yung declaration [Commission resolution 2016-001], wala namang aktwal na aksyon,” pahayag ni Bautista Sa Radyo Veritas.
Magugunitang, isang buwan matapos lumagda si PNoy ng kasunduan sa 2015 Paris Climate Conference, ay pinasinayaan naman nito ang isang 300 Mega Watt Coal Power Plant sa Davao.
Sa kasalukuyan ay mayroong 19 pasilidad ng coal-fired power plants sa Pilipinas, habang nakaamba pang magtayo ng karagdagang 27 pasilidad hanggang taong 2020.